[25] Connect the Dots

20 4 0
                                    

🌟🌟

--

[STEPHANIE's PoV]

"EXCUSE ME!", napasandal ako sa pader nang may bumangga sa balikat ko. At nang tingnan ko ito ay babae ito na may dala-dalang limang kahon kaya hirap na hirap ito sa paglakad.

Ngayon ang araw ng Early Christmas Fest at nandito ako ngayon sa Summerville University. 6am pa lang pero ang dami na agad tao. Hindi halatang excited sila, no?

Papunta ako ngayon sa College of Arts kung saan naroon ang kwarto para sa mga marshall. Nakatanggap lang ako ng text na yung mga marshall ng university ay dapat pumunta doon para mapag-usapan yung assignment of duties.

"Room E-301", I whispered habang nililibot ang 3rd floor.

Hindi ako dito mag-co-college. Ang hirap maghanap ng room. T_T

Nahanap ko din sa wakas. Pumasok agad ako sa loob nang macheck ko ng sampung beses kung tama ba ang room na hinaharap ko ngayon.

Puro babae ang mga naroon at nagkakagulo ang mga ito sa kanya-kanya nilang gawain.

"Lex, wala ng small size na shirt?", tanong ng babae habang iniisa-isa ang mga plastic sa loob ng kahon.

"Magmedium ka na lang bakla! Tuck in mo na lang", sagot ng babae na nasa may table. May nakalatag sa table nito na malaking papel at tinititigan niya ito.

Hindi napansin ng mga ito na nakapasok na ako kaya kumatok ako sa may pintuan. Napatigil naman ang mga ito sa ginagawa.

"Yes?", tanong ng babae na nasa table.

"Uhm, hi. I'm Stephanie from the academy."

"Oh, Stephanie Ramos?", she asked.

"Yup!", I nod my head.

"Good you came early. Come here! I'll discuss some things with you", utos niya. "Guys, if you're done, go to your area na. And help those who needs assistance."

"Aye aye!", sabay-sabay nilang sagot.

Naks, they are oriented very well. Mukhang nai-assign na yung iba sa mga magiging pwesto nila sa event.

Lumapit ako sa babaeng tumawag sa akin. "Na-discuss ko na sa iba 'yung location nila. And, I will be generous to you since you are from the academy naman."

Okay, I made a bad impression about college kids. They're nice naman pala. Baka kasi mature na. Lol.

"You will be assigned sa east side ng university. Bale ang gagawin mo lang ay i-monitor yung mga pila sa mga booth, tumulong sa mga org na naka-assign sa mga booth if they are in need of help, and also to maintain peace and happiness", she smiled brightly after explaining yung task ko.

"Ahh, yes. I got it", sagot ko sa kanya.

"Lulubusin ko na ang pagiging generous. You will have a partner to guide you. Taga-rito siya sa university but he's not here yet."

Shuta. Kinakabahan ako sa 'he' na yan. Sana naman hindi si Harry kasi umay na ko sa pang-aasar niya. Sobrang clingy niya na kaibigan. Ew. Pa-swap nga. Hahaha.

"For the meantime, magbihis ka muna ng shirt", tiningnan niya ang katawan ko. "I'm sorry to say, wala ng small size."

"Okay lang. Magagawan naman ng paraan. Thanks."

"No problem. Yung CR pala ay nasa labas before maghagdan", she said.

Tumango lang ako bilang sagot. Pareho lang ng sa academy.

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon