[31] End

21 4 0
                                    

--

[HARRY's PoV]

"STEPHANIE!"

She didn't look back and just keep walking. So I ran after her. "Stephanie, hey!", hinawakan ko ang braso niya nang maabutan ko siya kaya napatigil siya sa paglalakad.

She heaved out a sigh at hinarap ako. "Harry, please. Gusto kong mapag-isa!", she said helplessly.

Sukong-suko na siya. That's what I can see right now. Hindi talaga laging aayon ang kapalaran sa balak mo. Lagi talaga itong gagawa ng paraan just to unleash what's hidden.

"I can't let you. If you are already going home, ihahatid na kita", I offered. May kalayuan din kasi ang company ni Lola mula sa bahay nila.

"Harry---"

"Ihahatid lang kita then after that aalis na ako. Hindi rin kita kukulitin sa kotse", I assured her. I just can't leave her here with that state of mind.

Tinitigan niya muna ako as if evaluating my sincerity. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

"Sa'n kotse mo?", tanong niya.

My smile widen when I heard her question. Igjniya ko siya papunta sa kotse ko. Binuksan ko ang pintuan sa may shotgun seat at pumasok naman si Stephanie sa loob. Ako naman ay pumasok na sa driver's seat.

As I promised, tahimik lang ako habang nag-d-drive. Tiningnan ko si Stephanie and she's just keeping a straight face.

Actually, naisipan ko lang pumunta kanina sa opisina ni Lola because my instinct told me to do so. Kidding. I followed Simoun because I want to annoy and to somehow divert his mind para hindi niya na isipin pa si Stephanie.

But I didn't really expect na naroon din si Stephanie. Just looking at their reaction, something was discovered by Simoun. The deal between Lola Adriana and Stephanie. I didn't know exactly what deal they have made but one thing is for sure, Stephanie's feelings is real and she is hurting for real.

Obviously, my dumbass cousin got it all wrong.

"Diretso na ba sa bahay niyo or do you want to go somewhere, like your comfort place?", tanong ko kay Steph.

It took her seconds bago nakasagot. "Dalhin mo ako kay Collene", muntik ko nang matapakan ang preno pero buti na lang napigilan ko.

"Pardon?"

"Gusto kong makausap si Collene."

---

[STEPHANIE's PoV]

"Excuse me...", napalingon ako sa nagsalita. Siguro kung hindi lang halata ang kulubot sa mukha nito ay iisipin kong si Collene ito. "May hinahanap ka?", tanong nito.

Siguro ay nahalata nito ang pagsulyap ko sa harap ng bahay na kinatatayuan ko ngayon. "Ahh... Wala po", sagot ko.

"Sige, hija. Makikiraaan lang", wika nito. Napaatras ako dahil nakaharang pala ako sa may gate nila na gawa sa kahoy. Nakakahiya pa dahil mukhang mabigat ang dala nitong bayong.

Ito ang itinuro sa akin ni Harry na bahay daw ni Collene. Pagkatapos ay pinaalis ko na siya, buti na lang ay nadaan ko sa banta kaya umalis na agad.

"Si Collene ba ang hanap mo?"

"Opo. Ah... eh...", hindi ko na napigilan ang bibig ko at kusa ng lumabas ang totoo kong pakay.

Ngumiti ito at binuksan ang gate nila. "Pasok ka, hija. Sa loob mo hintayin ang anak ko", magiliw na sabi nito. Tama nga ako, siya ang ina ni Collene.

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon