[15] Push and Pull

45 4 0
                                    

---

[STEPHANIE's PoV]

"T-Teka! Hindi ito ang way papunta ng school!", reklamo ko kay Simoun nang lumiko siya imbes na dumiretso.


He looked at me and smiled. "Trust me with this one", he said at ibinalik ang tingin sa kalsada. Parang sinasabi niyang 'you'll be safe with me'. Epppp! Kota nako ngayong araw~ Pack-up na! Char!



Mag-dedate ba kami ulit? Ehhh! Biglang may nagplay na sweet scene sa utak ko na ginagawa namin ni Simoun. Grabe di ko matake yung part na nagsusubuan kami. Ng pagkain ah! Lol. Di ko ma-imagine. Imbes na kiligin ako, nasusuka ako. At nagsimula ulit ako mag-imagine. Nasa kalawakan kami ni Simoun, star wars ang peg (literal), magkahawak kamay habang naka-outfit pang-Jedi. Wahahaha. Tapos may saberlight kami syempers. Tapos dadating si Chewbacca at aagawin ako mula kay Simoun. Ngayon ko lang na-realize, mas pogi pala si Chewbacca kesa kay Simoun. Nyahahaha.


"Earth on, Stephanie!", Simoun snapped his fingers.




"Ah. Ha?", tanong ko sa kanya.


"What the hell are you thinking? You kept on doing this...", nagsmile sya ng malawak tapos nag-form ng 'O' ang bunganga tapos smile tapos O ulit. Wahaha. Pangit talaga! "Seriously?", tapos naka-poker face na siya.



Mukha pala akong serial rapist o dahil si Simoun ang gumawa kaya ang baboy? V^___^V "Naalala ko lang yung favorite character ko sa'yo. Si Kylo.."



"Tss. Whatever", tapos ay umirap siya. So gay. Joke! Ang hot nga. Kainis! "I look better than him."



"Ang KYLO-ngan ko sa buhay ko. Hohohoho."



*kruu kruu*


"K. Last ko na 'yun. Maganda lang talaga ako..", wala kasi siyang reaksyon. Bastos na bata! Wala man lang konsiderasyon.



"I don't know how to do cheesy lines basta ikaw si Stephanie at trip kita."



Ehhhh. Okay, binabawi ko na. May konsiderasyon pala siya. Hehe. I'm a tomato again. "Che! Mas corny ka! San ba tayo?", kanina pa kami nakatigil. Bumaba ako ng sasakyan niya.




Dito ba kami mag-dedate? Infairness, puro damuhan lang tapos madami-dami ding tao. Napatigil ako at binasa ulit ang sign board kung saan nakasulat ang pangalan ng lugar.



'Summerville Cemetery'


Biglang nagpanic ang utak ko. Hindi naman siguro ganun ang naiisip ni Simoun. Nagkataon lang to.





"M-May kamag-anak ka rito?", tanong ko sa kanya nang makalabas na siya ng sasakyan.



Umiling siya. Napamura ako ng mahina. Ano bang kinatatakot ko? Wala naman sigurong alam si Simoun.




"Oh? Anong ginagawa natin dito? Nasiraan ka ba ng sasakyan kaya tumigil tayo rito, ha? Ano? Bakit tayo nandito?"





Goodness! It's so effin' obvious how uneasy I am.







Hindi ko rin napansin kung paanong nasa harap ko na siya at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para patigilin ako sa paggalaw-galaw. "Can you please calm down?"

"Sagutin mo muna kasi ang tanong ko!"




Binitawan niya ako at huminga muna ng malalim. "Your mother told me everything..", he said while giving me a deep eye contact.


Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon