[24] Kaibigan o Inlaban

12 4 0
                                    

VOTE. COMMENT.

--

[STEPHANIE's PoV]

Kasalakuyan akong umiinom ng yakult. Chika lang. Para everyday okay ako pero parang di naman effective. Hays. False advertisement.


Alas-otso na ng gabi. Ginabi kami sa pagpapraktis kaya ganitong oras na ako nakauwi. Fight me, girls! Natagalan kong huminga kasama ang taong mahal ko na may mahal na iba. Hahaha. *crying deep inside*


Napagod ako sa paglalakad kaya umupo muna ako sa kalsada kaharap ng kapitbahay namin. Wow, di ko pa tinuloy papunta sa amin, no? Nakakapagod kasi ang araw na ito na kahit isummarize ko pa ang mga nangyari ay nakakapagod pa ring basahin.


"Hi, babe!", napaangat ako ng tingin nang may magsalita at tuluyang sumuko ang likod ko at naramdaman ko ang bag ko na tumama sa kalsada.

Jusme. Kailan ba matatapos ang araw na ito?


"I don't talk to strangers", sabi ko at nag-iwas ng tingin. Balasiyajan. Wala akong balak i-entertain siya kahit pa curious ako kung anong ginagawa niya malapit sa bahay namin at kung anong pinaplano niya.


Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko base na rin sa anino niya. "I'm Harry Kim."


"Di ko gustong malaman", sagot ko. Para naman ma-justify ko yung "I don't talk to strangers" ko. Kahit ngayon lang, may mapatunayan man lang ako sa sarili ko.



"Talking here not as your babe nor your boyfriend."



Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi naman talaga", then I rolled my eyes.



"I want to be your friend", napatingin ako sa sinabi niya. Nakalahad ang kamay nito na parang gustong makipag-shake hands. Ano na naman bang gustong mangyari nito?



"Weh? Wala akong tiwala. Mamaya pag kinuha ko iyan, bigla mo kong hilahin tapos yakapin or worst...", niyakap ko ang sarili ko. Buti na lang malapit ang bahay ko. My pamili is wan kol awey onli.



"Pfffft. Hahahaha", binawi niya na ang kamay niyang nakalahad. Napausog ako ng umupo siya sa tabi ko. "Mukha lang akong pa-fall pero I still believe na pag kaibigan, kaibigan lang! Walang inlaban."

"Eh??", napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Marunong pala siya ng mga ganoong salitaan.

"Fine, I'm giving you a chance to choose. Kaibigan o inlaban?"


"Wow!", di makapaniwala kong sabi. "Hahahaha. Pengeng confidence, kuya!"




"Para saan? Para sabihing mahal mo si Simoun?"



"I just did... WAIT! So, kilala mo si Simoun?", tanong ko sa kanya. For sure, oo because he is a Kim for whoever's sake.



"Yes. He's my cousin and you are his girlfriend."




"Then why claim that I'm yours??", masungit kong tanong. Support me, guys! Text STEPH to 2366.



"Bakit? Kayo ba talaga?"


ANO... BAKIT ANG SAKIT? Go lang guys, text lang ng text to support me and my heart.




"Bye. Out na ako!", bwelta ko sa kanya at patayo na sana pero hinila niya ako ulit paupo sa kalsada.


Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon