[18] Fake News

39 4 0
                                    

Hearteu! 💕💕

--

[STEPHANIE's PoV]



"Bakit ngayon ka lang?"

Hindi ko sinagot ang tanong na iyon at nagpatuloy sa pagpasok. Balakajan.

"Anong oras na, o!"

Umirap lang ako. Balakatalagajan.

"Uwi ba yan ng matinong babae?!"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang mga kuya kong hampaslupa. Napatigil din sila at muntik pang matumba. "Bakit? Masyado bang maaga ang uwi ko? Dapat ba mamayang hapon pa?", pamimilosopo ko sa kanila. Alas-otso pa lang kasi ng umaga.

"Seryoso kami, Stepani! Kanila Simoun ka natulog, no? Huwag ka nang magkaila, tumawag si Mama sa amin kagabi. Wala kang tropa kaya hindi mo pwedeng sabihin na nag-overnight ka sa kaibigan mo!", singhal ni Kuya Melmar.

"Nagpaalam ako sa nagluwal sa akin, okay? Kulang kayo sa tulog, no? Aarte niyo!", tumalikod na ako at naglakad na muli. Kanila Simoun nga ako natulog diba? Pero tumawag ako kay Mama at nagpaalam. Pumayag naman si Mama kasi wala naman siyang magagawa saka nasa Batangas pala siya for two days. Si Simoun naman, kailangan sa school kaya sa tapat ng subdivision gate na lang ako nagpahatid at magkita na lang daw kami mamaya. Yieeee.

Buti na nga lang at hindi ako hinatid ni Simoun dahil ang F4 este ang Fanget na 4, nasa labas at mga nakabandana pa, hinihintay ako at ayun nga pinaulanan ako ng tanong. -_____- Bakit ba biglang naging concern tong mga to? Lalakas ng trip.

"Stepani, pangit ka man sa paningin namin pero biologically speaking, baby ka namin...", boses ni Kuya Pancho.

Luh. Di ko alam kung tatawa ako o maiinis. Sige na nga. Haha.

Nasa may 3-staircase stairs na ako nang si Kuya Melmar naman ang magsalita. "Nag-aalala kami. Biologically speaking, babae ka. Lalaki si Simoun. Ano ang ini-expect mong isipin namin na gagawin niyo? Manonood ng O-shopping?"

Napatigil ulit ako at nakakunot ang noong hinarap sila. Nag-aalala? Babae at lalaki? Gagawin? ~.~ Leche. Edi wow. Buti na lang talaga wala si Simoun.

"Lalaki ba talaga yang si Simoun, ha? Bat wala siya dito? Dapat panindigan ka niya!", kala mo'y Katipunerong saad ni Kuya Melon.

"Nagtulak na naman kayo porke wala si Mama? Eh kung biologically speaking, itong metacarpophalangeal joint ko...", I raised my closed fist showing them my knuckles. "...tumama isa-isa diyan sa retina niyo, ha? Walang nangyari! Bwisit!"

"Pero gusto mong meron?"

"OO NA!", sigaw ko kasabay ng pagbitaw ni Kuya Melchor ng tanong niya. Natauhan ako ng mag-sink in sa akin ang tanong niyang iyon. "HA? Ah... Ewan ko sa inyo! Malelate na ako!", tinalikuran ko na sila. Sakit nila sa brain cells. Ang ibig sabihin ko sana ng 'oo na' ay 'bahala kayo sa gusto niyong isipin'. Kakagigil.

"Ikaw bunso, ah! Mapusok ka!", sigaw ni Kuya Melchor.

"Baka nga walang nangyari. Malay mo nagmovie marathon lang."

=___=

"Oo nga! Siguro 'The Notebook' pinanood nila. Maraming kissing scene yun eh."

>\\\\\\<

"TAMA! Lalo na yung kiss sa damuhan tas naulan!"

×___×

Binagsak ko ng malakas ang pintuan pagkapasok ko. Jusme. Bat ganun ang mga kapatid ko? Huhuhu. Partida, mga lalaki pa yun. Lalakas.

Dating the Pambara Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon