Jealous..

2.5K 23 0
                                    

Hanggang sa isang araw... Habang nag uusap si Anne at si K sa DR nila, biglang dumating si Vice na may ngiti sa labi

Anne: What's with that smile?

Niyakap na lang ni Vice si K, at nagulat naman si K at lalong bumilis ang tibok ng puso nito

Karylle: Ba-baket? *bumitaw sa pagkakayakap*

Vice: K, thank you, thank you talaga sa help mo, gumana nga, bati na kami ni Baby Boy. *smile*

Karylle: Ah, sige, walang anuman. *malumanay na sabi nito* Sige labas muna ako. *lumabas*

Vice: Anyare dun?

Anne: Ewan ko, kanina masaya naman kaming nag uusap, tapos nung dumating ka wala na... Siguro inaway mo noh?! *duro kay Vice* Yung totoo?

Vice: Hindi ah, baka nagselos. Charot! *sabay tawa*

*Tok,tok,tok*

Staff: *bukas ng pinto* Ah, maam, sir, magsisimula na po yung show in 2 minutes. *sarado ng pinto*

Vice: Punta lang ako ng DR ha. *lumabas*

Buong show silang walang kibo, pero may time naman na nag uusap sila kasi kailangan, tuwing lalapit naman si Vice kay K, ay lumalayo naman ito. Pagkatapos ng Showtime, pumunta agad sila sa lounge, ginawa lang nila kundi mag kwentuhan, tawanan, kainan at pagtripan ang isa sa kanila, maya maya pa ay umuwi na lahat ng Co host except Vice, Karylle, Vhong, Anne and Billy. Pumunta muna sila sa DR ni K at Anne para makapagligpit na sila ng kanilang gamit, kasi usually halos lahat ng babae makalat at madami pang dala dala na gamit. Parang ako. Hehehe

Anne: Magligpit na rin kaya kayo ng mga gamit nyo para sabay sabay na tayo mamaya umalis *sabi nito habang nagliligpit*

Vhong: Eh, tapos na kaya kami, before mag Showtime pa. Hahaha

Billy: Oo nga, kayo lang naman talaga makalat eh. Hahaha

Anne: Sorry naman, malay ko ba, ikaw ba Vice? I'm sure hindi ka pa tapos magligpit kasi gurl ka. Hahaha

Vice: Tapos na kaya ako.

Vhong: Brad, lalaking lalaki ka na, eh parang dati lang napakakalat mo ah. Hahaha

Billy: Kuys, sino na ba pinopormahan mo? Kung kaylangan mo ng help sa panliligaw mo, nandito lang kami ni Kuys Vhong. *sabay akbay*

Vice: Huy, anong ligaw ligaw? Gurl kaya aketch *with a girly tone*

Vhong: Sayang! *snap his fingers* Meron pa naman akong kakilala na may crush sayo?

Vice: Sino?

Vhong: Si K. Hahaha

Karylle: Huy, nananahimik ako dito, wag nyo nga ako isali dyan.

Billy: Talaga naman ah, Hahaha, sab--- 

Hindi na natuloy yung sinasabi ni Billy kasi may kumatok bigla sa pinto

*tok tok tok*

Assistant ni Direk: *bukas pinto* Ah, Billy, Vhong, pinapatawag kayo ni Direk sa office nya.

Billy: Pakisabi na lang po na susunod na kami.

Assistant ni Direk: Ok, po. *sinarado yung pinto*

Vhong: Ah, sige guys ha, mauna na kami.

Anne: Sige.

Lumabas na sila Vhong at Billy, kaya silang tatlo nalang sa DR

Anne: Parang kanina ko pa kayo napapansin, bakit magkagalit kayo ni K, Vice?

Vice: Ewan ko ba, tanungin mo nga siya.

Anne: K?

Karylle: Eh wala wala. Wala naman ako sasabihin sa kanya eh, tsaka bakit ko naman siya kakausapin kung wala naman ako sasabihin diba?

Vice: Oo nga naman Anne, tsaka bakit mo naman siya magagalit kung wala namang rason diba?

Anne: Hmp, maiwan na nga lang kayong dalawa dito, pakisabi na lang kay Vhong at Billy na naka uwi na ko. Sige bye. *umalis*

Hindi ulit sila nagpansinan, nakatalikod na lang sila sa isa't isa, lumipas ang ilang minuto ay hindi na kaya ni Vice na hindi tanungin si K kung bakit hindi sya pinapansin nito.

Vice: K, may problema ba tayo?

Karylle: Ha anong namang problema natin?

Vice: Kasi kanina mo pa ko hindi kinakausap eh, may problema ba K?

Karylle: Gaya nga ng sabi ko kay Anne, wala naman ako sasabihin sa yo , kaya hindi kita kinikibo.

Vice: *dineretso agad si K* K, nagseselos ka ba?

Karylle: What kind of question was that?

Vice: K nagseselos ka ba?! *tumaas yung boses*

Karylle: NO! *palabas na kaso hinawakan nito ang braso ni K* Bitawan mo nga ko!

Vice: K, napakasimpleng tanong, nagseselos ka ba?

itutuloy...

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon