Chapter 3

830 5 0
                                    

Still MADDIE POV

Haaaay, mugto nanaman mata ko sa kakaiyak. Di na rin yata ako nakapag dinner eh. Anong oras na kaya? Hala! 4:48 am palang! Makapag jogging nga muna. Simple lang suot ko, no nerdie and weird styles na lagi kong suot sa School. Nakapang jogging pants, rubber shoes and pink fit sando, at naka ponytail din, kumuha na rin ako ng tubig sa ref para di ako mauhaw. Nag exercise muna ko tapos lumabas na ko ng bahay, at naglakad muna, after 10 minutes, nag jogging nako.

PETER POV

Hala! Aga ko gumising, 4:55 am pa lang? Maka  jogging nga muna. Habang nagja jogging ako, nakita ko ang isang babae, ang ganda niya and sexy curves din. Teka! Mukhang namumukaan ko siya, Maddie? May kambal si Maddie? Haha. Pero si Maddie kaya yun? Ganda niya ah. Tawagin ko kaya, malay mo siya yun. "Maddie!!!" Pagtawag ko sa kanya, tumingin naman. Shocks! Ang ganda ni Maddie! Kitang kita sa mukha niya yung gulat, pupunta na sana ako sa kanya pero tumakbo siya, kaya hinabol ko naman, anlayo na niya! Di ko na maabutan, buti na lang may shortcut dito, hehe.

MADDIE POV

O my god! Dito nakatira si Peter? Takbo lang ako ng takbo hanggang sa di ko na siya makita, nawala ko na yata, kaya binagalan ko ang takbo ko, pagtingin ko sa harap ko, nakita ko si Peter, Peter?! Pano niya ko naabutan? "Hi, goodmorning!" Sabi niya. "G-goodmorning!" Tatakbo na sana ko pero hinawakan niya braso ko. *Dug-dug--Dug-dug* Anong nangyayari sakin? What's this feeling? "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Magja jogging" Sagot ko.

"Pwede sumabay?"

"What?! No!" Napasigaw ako. "So-sorry, sabi ko, sige sumabay ka" Sabi ko na lang, hayaan mo na.

Nag smile na lang siya at nagsimula na kami mag jogging.

"Dito ka pala nakatira?" Sabi niya.

"Oo" Simpleng sagot ko na lang.

"Saan nga pala bahay niyo?"  Tanong niya ulit.

"Ah, eh, basta"

"Sabihin mo na"

"Ayoko nga! Friends ko lang nakakaalam ng bahay ko noh. Friend ba kasi kita?"

"Slight?"

"Di pa kaya"

"Hmp! Bahala ka nga, malalaman ko rin bahay mo"

"Ok" Tumingin ako sa orasan ko. "5:30 na pala. Uwi ka na, may pasok pa tayo"

"Osige, bye!" Sabi niya at tumakbo na kami sa magkabilang direksyon. Pagkauwi ko sa bahay, kumain na muna ko at nagpahinga, pagkatapos nun, naligo na ko at nagbihis na rin ng sivilian, hindi pa kasi kami nagkaklase kaya sivilian muna kami and sivilian kasi kami tuwing Friday. 7:00 palang. 8:00 kasi pasok namin sa ngayon, pero pag nagkaklase na, 7:30 na. It's better to be early, kaya pumasok na ko.

Pagdating ko sa School, wala pang tao kaya sa rooftop muna ko, ako lang nakakaalam nun, ewan ko lang kung meron pang iba. Pagdating ko sa rooftop, may lalaki akong nakita na nakaupo sa edge ng rooftop, hala! Baka mahulog siya. Wait! Di kaya.... Peter??!!! Si Peter ulit?! Aalis na sana ko pero "Maddie" Sabi niya. Di na lang ako nagsalita, hindi rin siya nakatingin sakin. "Maddie, alam kong ikaw yan" Dagdag pa niya, alam na eh, kaya lumapit ako sa kanya.

"Dito ka rin pala nagpapalipas ng oras" Sabi ko sakanya.

"Oo, tuwing malungkot ako, dito lang ako, pag weekends naman, sa bakod ako umaakyat para lang makapunta dito"

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon