Chapter 5

827 3 0
                                    

PETER POV

Hay sa wakas, nandito na rin kami sa EK! Traffic kasi eh. Kasama rin pala namin si Ryan.

"Welcome to Enchanted Kingdom, guys! Tara na!" Sabi ni Annie at sabay takbo kasama si Abby at Nikki. Eto namang si Maddie, tingin ng tingin kahit saan. "Mukhang may naninibago ah, haha" Sabi ko.

"Huy hindi ah! Ngayon lang kasi ako nakapunta dito---"

"Ngayon lang? Hindi ka pa nakakapunta dito?" Gulat na tanong ni Bill. Ngayon lang siya nakapunta dito? Seriously?

"Hindi, nung bata kasi ako, lagi akong pumupunta dito, ginagawa ko na ngang playground tuwing weekends eh, pero simula nung nag highschool nako, hindi nako nakakapunta kahit saan" Sabi ni Maddie.

"Bakit?" Tanong ni Fern.

"Ah guys, tara na nga, init dito eh" Sabi ni Maddie. Hmm, bakit kaya?

"Sige tara!" Sabi naman ni Bill.

Pagpasok namin sa EK, una naming sasakyan ang Disk-O-Magic, naku po! Mapapasubok ako nito! Second time ko nang sasakyan to pero, nakakahilo eh.

"Takot ka? Haha" Tanong ni Maddie.

"Hindi noh, baka ikaw" Sabi ko.

"Sus! Bibighay ka rin, haha" Sabi niya, aba'y nanghahamon yata.

"Sige, matira matibay, pag bumighay ka agad agad sa mga rides na sasakyan pa natin, libre moko ng dinner mamayang gabi, pag ako naman bumighay libre kitang dinner, ano, deal?"Panghahamon ko. Inangat ko yung kamay ko. Hindi ako magpapatalo sa babaeng to!

"Deal!" Inabot niya kamay ko. Huh! Tingnan lang natin.

"Guys, tara na" Sabi ni Bill na mukhang excited.

Then sumakay kami...

Waaaaahhh! Ayoko na! Gusto ko nang bumaba!

Pagkatapos namin sumakay, grabe! Namutla na yata kami.

"Oh, anyare sainyo?" Tanong ni Annie samin.

"Wa-wala to" Sagot ni Fern.

"Sus, kala ko ba matapang kayong mga boys, haha" Sabi ni Abby.

"Matapang kami noh!" Sabay sabay naming sinabi mga boys.

"Ok lang ba kayo? O hindi na tayo sasakay? I mean, kayo pala, sasakay pa kasi kami eh" Sabi ni Nikki.

"Ambilis bumighay ah, haha" Sabi sakin ni Maddie. Tapang nito ah.

"Huy, hi-hindi pa noh, okay pa ko" Paputol kong sinabi.

"Oo, okay pa kami, anong next?" Tanong ni Ryan.

Nagkatinginan silang mga girls. "Anchors Away" Tapos ngumiti sila. Ok lang sakin, sanay na ko dun eh.

"Ha!!!?? Sure  kayo?!" Tanong nila Fern, ako? Huh! Hindi ah.

"Oo naman" Sabi ni Annie.

"Hindi ba pwedeng relax relax muna tayo?" Sabi ni Bill.

"Wag nyo na kasi itago na duwag kayo, haha" Sabi ni Maddie.

"Hindi kaya! Tara na" Pagtanggi naman ni Ryan.

Pumunta na kami sa Anchor's Away, naka pila pa lang kami.

"Pwedeng bumack out" Bulong sakin ni Maddie.

"Hindi ako magpapatalo noh" Sagot ko naman.

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon