Chapter 20

463 8 0
                                    

MADDIE's POV

Sheeet! Sumagot kayo! Urgggghhh! Putarages! Si Annie hindi pwede, si Abby wala rin, si Bill at Fern rin, tsaka si Peter patay yung cellphone, nasan ba yung mga yun at busy? Kanina ko pa sila tinatawagan, ay jusko! Mababaliw ako neto eh!

"Anak! Ano pa ginagawa mo dyan? Puntahan mo na siya!" Sigaw sakin ni Mama. Ay galit?

"Eh Mama, busy po silang lahat eh. Di ko po alam kung asan siya" Bigla naman akong kinabahan. Lord! Wag nyo po siya paalisin!

"Hindi ka talaga nakinig sakin hano? Nasa bahay pa yun, 3:00 alis nila, dalian mo at anong oras na oh? Papunta na sila ng airport" Ay! Bingi! Tatakbo na sana ako palabas nang may nakalimutan ako...

Lumapit ako kay Mama at niyakap ko siya sabay sabing, "Thanks Ma. I love you"

"Your welcome, anak. Love you too... Siguraduhin mong aabot ka ha? Naku! Tatamaan ka sakin! Hahaha!" Bumitaw na ko kay Mama at ngumiti tsaka tumakbo palabas ng bahay.

Putarages talaga! Buti na lang nandun yung kotse ni Mama, nasa bulsa ko kasi yung susi, di na ko nagdalawang isip at sumakay na, actually, mejo alam ko lang paandarin to, hindi pa ko sanay. Psh! Nevermind! Inistart ko na yung kotse, pinabuksan ko na rin yung gate at lumabas na, andyan lang naman yung bahay ni Peter kaya madali lang ako nakarating.

Nakita ko naman si Manong guard na nagsasarado ng gate. "Manong guard!" Pag tawag ko, hindi na muna ko bumaba ng kotse kasi alam ko namang wala na sila.

"Ma'am Maddie? Ay nako po! Wala na po sila, kakaalis lang po"

"Saang airport sila?"

"Sa NAIA po"

"Saang terminal po?"

"Terminal 2"

"Sige po. Salamat po!" Humarurot agad yung kotse ko, I mean ni Mama, pero kotse ko muna ngayon, hahaha. Buti naman at hindi traffic ngayon kundi mahuhuli ako neto.

Kung minamalas ka nga naman, sa airport nagkanda traffic traffic. Tsk! Maaabutan ko pa kaya yun? Bigla naman akong naiyak. Peter! Hintayin mo ko please.

Nang nakarating na ko sa terminal 2, bumaba agad ako ng kotse at nsgtanong sa guard dun.

"Manong Guard, nakaalis na po ba yung eroplanong papuntang America?" Sana hindi, sana hindi!

"Boarding na po Ma'am"

Tila nadurog naman yung puso ko, wala na?

Umupo na lang ako dun sa may upuan at umiyak, nakayuko ako para hindi ako makita ng mga tao.

Wala na! Wala na siya! Tanga rin ako eh noh? Pinaalis ko yung taong mahal ko. Bwiset na buhay naman to! Maaaring di na rin siya bumalik, dun na sila tumira eh! Peter! Bat mo ko iniwan?

Naramdaman ko naman may umupo sa tabi ko. "Bat ka umiiyak?" Nakakatakot naman yung boses neto. Grabe! Umatras din yung luha ko, kinabahan ako bigla, shet!

"Wa-wala po" Sabi ko tsaka di muna tumingin, nanatiling nakayuko pa rin ako. Baka kung ano gawin sakin neto eh.

"Sige na, sabihin mo na" Sasabihin ko kaya?

"Wala po. Iniwan na po kasi ako ng betfriend ko eh. Yung taong.... Mahal ko rin po. Alam niyo po yung feeling na ganon?" Yan! Sinabi ko sa taong di ko kakilala, stranger kung maaari eh.

"Mahal din kita Maddie" Wait! Peter? Tinignan ko naman siya, siya nga! Nakangiti pa ang loko.

"Peter!" Late reaction eh. Niyakap ko siya, wala na yatang bukas eh, ang higpit kaya ng yakap ko.

"Maddie, pwede wag masyadong mahigpit? Alam kong mahal mo ko pero, papatayin mo yata ako eh" Bumitaw naman ako sakanya at nahiya, nakakahiya talaga kasi eh, deretso kong sinabi sa kanya.

"Uuuuy! Nagba blush!" Tsaka niya kinurot yung pisnge ko, magkabilaan ha? Nagba blush ba ko?

"Araay, mashaket" Binitawan naman niya agad tsaka siya tumawa ng unti.

"Alam mo kung bakit di ako umalis? Napaisip kasi ako, kung iiwan ko si Maddie dito, mas mabuti kaya? O tatanggapin ko na lang na na-friendzone ako at kahit masakit, tatanggapin ko na lang yung desisyon mo?"

"Kaya eto, nagpaiwan ako, hahayaan ko na lang na magkaibigan tayo. Masakit pero tatanggapin ko na rin" Then inserts fake smile. Maya maya may tumulong luha sa mata niya.

"But then, nung nakita kitang umiiyak dito, at first place naman kasi alam kong ikaw yun, kaya kita pinuntahan dito kasi akala ko may iniiyakan ka kaya kita dinamayan. Suddenly, nalaman kong.... Mahal mo rin pala ako" Tumingin siya sa mga mata ko, bigla namang lumakas yung kabog ng dibdib, I never knew na may mamahalin pa pala ako ng ganito.

"Totoo ba yu---"

"Hindi! Hindi totoo yun!" What were you thinking Maddie?! Masyadong defensive.

"Hindi ba? Okay, I think I should go" He stood up and walks away slowly. He's joking, isn't he? But then, malapit na siya pumasok sa loob. Pambihira! Tototohanin niya nga! Kaya hinabol ko siya at hinawakan sa braso tsaka hinila ko siya papuntang sasakyan. Pinasakay ko na siya, at nilagay ko yung bagahe niya sa likod tsaka sumakay na rin ako, tahimik lang kami buong byahe, pumunta kami sa park(yung dating pinuntahan namin). Buti na lang walang tao.

Bumaba naman kami at umupo siya sa swing. Ako naman, nakapamewang na nakatayo sa harap niya.

"Where'd you think you're going?! Kanina!" Sabi ko. Storming out.

"I thought hindi mo ko mahal?" He plasters a smile, some of a jerk smile.

"Psh! Naniniwala ka naman?" Bigla namang lumaki yung ngiti niya.

"Said it" Ha? Anong sasabihin ko?

"Na ano?" Hindi pa rin nagbabago yung aura ko, nakataas pa rin yung kilay ko.

"Na you love me"

"Ayoko nga!"

"Eh bahala ka, aalis na lang ako" Umalis naman siya. Gulo din netong lalaking to hano?

"Uy! Bumalik ka nga dito!"

"Not until you said you love me too" Sabi niya habang nakatalikod at patuloy na naglalakad. Urrrggghhh!

"Peter!"

"Uy Peteeer!!!"

"PETER BORJA!!! BUMALIK KA NGA DITO!!" Still, ayaw niya pa rin, habang papalayo siya ng papalayo, feeling ko isisigaw ko nang...

"PETER! I LOVE YOU! MAHAL KITA!" Lumingon naman siya nang nakangiti at bumalik kung nasaan ako, ako naman, haggard na! Nang dahil sa kanya! Buset!

Nang nakalapit na siya, "Paano mo naman mapapatunayan na maha---" I cut it with a kiss, bumibilis naman yung tibok ng puso ko sa tagal namin. It was a passionate kiss, I feel na mahal niya talaga ako, I wish he feel it too. Nang bumitaw ako, na speechless ako at biglang nahiya, namumula na siguro yung mukha ko sa harap niya, kaya naman yumuko ako.

"I love you too, Maddie" Feel ko naman na ngiting ngiti siya kahit hindi ako tumitingin, inangat niya naman yung mukha ko.

"Mahal mo ko, mahal kita. So, pwede na kita maging girlfriend?"

"Ano ka? Sinuswerte? Asa ka! Ligawan mo muna ko! Nagpakahirap ako habulin ka tapos ngayon easy easy mo lang sasabihin yan? Haha!" Tsaka ko siya binelatan. Talaga naman eh! Wahahaha! Papahirapan kita Peter Borja! Bwahahaha!

"Eto naman. Hayaan mo, hangga't hindi mo ko sinasagot, hindi ako susuko, kahit tumanda pa tayo, promise yan" Awwww! Kaya love na love ko siya eh, sweet din ng manliligaw ko eh noh? Hahaha. Kidding!

-

To be continued...

One more chapter to go!

Last UD for today

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon