Chapter 12

587 4 0
                                    

MADDIE POV

Yiiieee! Excited na ko! First time kasi nila mapupunta sa rest house namin.

"DingDong, DingDong, DingDong*

"Ayan na!" Sino kaya yun? Doorbell ng doorbell, excited? Hahaha. Dali dali akong bumaba at binuksan yung gate.

"Hi Maddie! Morning!" Sabi nila Bill at Fern. Pinapasok ko na sila at pina upo sa sofa, pinanuod ko muna sila habang hinihintay pa yung iba.

"Nasan si Peter? Bat di nyo kasama?" Tanong ko. Ngayon lang kasi nila di kasama si Peter.

"Yiiiieeeee! Wag kang mag alala, kasama siya. Wag kang atat na makasama siya, hahaha" Loko talaga tong si Bill. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo nalang sa sofa.

-

Nandito na ngayon lahat, si Annie na lang wala. Antagal naman niya!

*DingDong*

"Hay sa wakas! Nandyan na si Annie" Sabi ni Nikki. Lumabas na kami at binuksan yung gate.

"Woah!" Napasabi na lang kami. Andami niya kasing dala, isang medium na maleta. Grabe.

"My labs, magtatanan na ba tayo? Hahaha" Binato naman ni Annie ng tissue paper si Fern.

"Saan ka pupunta?"

"Bat andami mong dala?" Sunod sunod na tanong kay Annie.

"Hoy Annie! D ka magbabakasyon ng ilang linggo don, 3 days lang tayo!" Sabi naman ni Peter.

"Eh sa trip ko nga! Tara na nga, dami nyo pang daldal" Tas pumasok na siya at pupunta na sana kami sa van kaya lang...

"Maddie, I think you should change your clothes, yung walang nerdie styles, yung simple lang" Reklamo nanaman ni Peter. Bat ba kasi all the time napapansin niya damit ko?!

"Oo nga Maddie, tara, palitan natin, samahan kita" Sabi naman ni Annie. D na ko nagsalita sumunod na lang ako, tama sila,  I should try something new. "Guys, may lake nga pala dun sa rest house, baka gusto niyo magpalit para tuloy swimming kayo, hahaha" Sabi ko sakanila. Napatalon naman sila Bill at Peter.

"Maddie, nasan yung CR niyo? Magpapalit kami, hahaha"

"Nandun malapit sa kusina" Nagsitakbuhan naman sila lahat papuntang kusina dala dala yung mga bag.

"Hay nako! Tara na nga Maddie, para makapagbihis na rin ako, hahaha" Pati si Annie dinala na rin yung maleta niya sa taas.

-

"Ay eto oh! Bagay sayo" Sabay pakita nya sakin yung backless na shirt.

 
"Ayoko nyan! Baka masikip na rin sakin yan, ilang years ko na di nasusuot yang mga yan eh" Eh talaga naman eh. Naghalungkat ulit si Annie. "Ay eto!" Pakita niya sakin ng shorts at sleeveless. Hmmm... Ok naman. "Amina nga yan para matapos na" Tas lumabas naman si Annie sa walk-in closet at sinukat ko na. Tinignan ko naman yung itsura ko, maganda naman. Haha. Lumabas na rin ako.

"Huy Annie, ok na to" Sabi ko, tinanggal naman ni Annie yung salamin ko at inayusan din. "Yan! Perfect!" Sabi ni Annie.

"Tara na nga"

"Ay wait Maddie, susunod na lang ako, ako na lang din magdadala ng gamit mo"

"Bakit?"

"Eh basta wag ka nang makulit" Tas tinulak niya ko palabas at sinaraduhan ng pinto. Aba'y kanino kayang bahay to?

Bumaba na rin ako, nakita ko naman sila na nasa sofa.

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon