Banana Boat

1.5K 7 2
                                    

Pagkatapos nila magswimming, kumain muna sila ng tanghalian...

Coleen: Guys, tara banana boat tayo, may nakita ako dun oh...

Billy: Oo nga, tara

Pumunta na sila sa banana boat. dahil 8 lang ang pwede sa isang boat, magkakasama sila Billy, Vhong, Anne, Karylle, Vice, Jewel, Ryan at Coleen at magkakasama naman sila Jugs, Teddy, Eruption, Jhong, Kuya Kim at sumama na rin si Direk... Habang hinihintay pa nila yung isang boat kasi may nakasakay pa, pinasuot muna sila ng life vest then naglaro laro muna sila...

Ryan: *humiga habang nakasuot yung life vest* Ancharap, pa-pala, mag, plowting (floating)

Jugs: *tinry yung ginawa ni Ryan* Hahaha, oo nga noh

Teddy: Hindi ba kayo marunong mag floating? Hahaha

Jugs: Hindi eh, first time, hahaha

Vice: Mabigat kasi katawan mo Jugs eh, hahaha. Charot!

Eruption: Kuys oh, hinahard ka, hahaha

Habang ine- enjoy nila yung ginagawa nila, natapos na rin yung mga sumakay sa banana boat at sumakay na sila... Habang inaalalayan ng isang may ari ng banana boat sila Anne, pagdating naman kay K...

Vice: Ay Kuya, ako na lang po aalalay *hinawakan yung kamay ni K at isinakay sa banana boat*

Billy: Oy Viceral, mukhang wala na makakahawak sa Kurba mo ah

Vice: Syempre ah, lamok nga hindi nakakadapo dito, asungot pa kaya? Hindi, joke lang Kuya

Vhong: Hay nako, sumakay ka na nga lang Kuys, nauna na sila Direk oh *turo sa banana boat kung nasan sila Direk*

Vice: Ayan na! Nagmamadali?

Anne K Jewel Billy Vhong Ryan Coleen: Sakay na!!!

Vice: Halaka! Ayan na nga eh *sumakay*

Enjoy na enjoy naman sila sa pagsakay sa banana boat pero ang hindi lang inenjoy ni Vice ay ibinaliktad sila...

Vice: Hooo!!! Kuya pwede naman kami ibaba ng maayos, hindi yung itutuwad kami, kaloka!

Billy: Hay nako Viceral! Takot ka lang eh, hahaha

Vice: Hindi noh, hindi kasi sinabi eh

Vhong: Wag mo na ideny, halata naman eh, hahaha

Vice: *belat* *lingon dito lingon doon* Si Kurba nga pala?

Vhong: Pumunta na sila sa cottage! Dada ka kasi ng dada! Hahaha

Vice: Tsk! Tara na nga...

Pumunta naman yung tatlo sa cottage kasi nandun na lahat ng Showtime Family except sila. Pagdating naman nila, nakita ni Vice na nakatabi kay K si Jhong at tumatawa pa, kaya nilapitan niya ito at umupo sa gitna nila...

Jhong: Aray naman, cutiepie! Pwede mo naman siguro sabihin sakin na umalis ako noh

Vice: Eh kung makadikit ka kasi eh! Chupi na, dali!

K: Eto naman selos agad, hahaha *sandal sa dibdib ni Vice*

Then kumain na sila... Nagpakuha naman si Anne kay Vice ng coke kasi nakaupo si Vice sa cooler...

Anne: Vice, pakuha nga dyan ng softdrinks

Vice: Coke o pepsi?

Anne: Coke

Vice: Diet o regular?

Anne: Regular

Vice: Bote o incan?

Anne: Bote

Vice: 8 oz o 10 oz?

Anne: Urgghhh!!! Tubig na nga lang

Vice: Mineral o natural?

Anne: Mineral

Vice: Malamig o hindi?

Anne: Vice naman eh! Hampasin kaya kita dyan ng walis! 

Vice: Tambo o ting ting?

Anne: Animal ka talaga!

Vice: Kabayo o Aso?

Anne: Loko ka talaga! Lumayas ka nga dyan Viceral! Ako na lang kukuha!

Vice: Ngayon na ba? O bukas na?

Anne: Ngayon na!

Vice: Bubuhatin mo ko? O lalakad ako?

Anne: Gusto mo mapatay kita?

Vice: Babarilin o sasaksakin?

Anne: Pektusan kita dyan eh!

Vice: Hahaha, eto na nga *kuha ng softdrinks sa cooler then ibinigay kay Anne* Oh eto oh, hahaha

Eruption: Lakas din ng trip mo Vice eh, hahaha

Coleen: Ang cute nyo po dalawa, para kayong magkapatid, hahaha

Then tuloy tuloy na pinagtripan n Vice si Anne hanggang sa matapos sila kumain...

-

-

-

-

-

-

-

-

 -

 -

itutuloy...

UD lang na unti...

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon