Chapter 13

570 4 0
                                    

PETER POV

Gising na kami lahat, ilang oras pa yung byahe kaya nabobore na rin kami. Maya maya, tumugtog yung kantang 'overdrive' by eraserheads sa radio, kaya sinabayan ko yung kanta.

Peter:

Magda drive ako hanggang Baguio

Napatingin sa kin lahat.

Magda drive ako hanggang Bicol

Peter Bill:

Magda drive ako hanggang Batangas

Peter Bill Fern:

Tapos magsi swimming don... Sa beach

Fern Bill:

Isasama ko ang girlfriend ko *sabay akbay kay Nikki/Annie*

Kinilig naman yung dalawa, haha.

Peter:

Isasama ko kahit sinong may gusto

Kahit may kasama siyang aso

Basta't meron siyang dalang sariling buto

Annie:

Magdadala ako ng pagkain

Burger fries tapsilog at siopao

Peter Fern Bill:

Magda drive ako hanggang Visayas

Magda drive ako hanggang Mindanao

Magda drive ako buong taon

Magda drive ako habang buhay

Magda drive ako hanggang buwan

Annie:

Please please lang turuan mo akong magdrive

Annie Maddie Abby:

Gusto kong matutong magdrive

Peter Bill Fern:

Kahit na walang kotse

Annie Maddie Abby:

Gusto kong matutong magdrive

Peter Bill Fern:

Kahit na walang lisensya

All:

Magdrive..... Drive drive

Magdrive..... Magdrive drive

Magdriiiiiive

Magdriiiiiive

*End of Song*

Tumawa na lang kaming lahat.

"Eto namang dalawang to, di manlang naki join, haha" Sabi ko. Reffering to Nikki and Ryan.

"Sorry naman, di ko alam yung kanta eh, haha" Pagdadahilan ni Ryan.

"Ako, wala lang, haha" Sabi naman ni Nikki. "Tsaka, naki join kaya kami sa bandang huli" Dagdag niya.

"Haha, dun lang"

-

Nandito na kami ngayon sa rest house. Grabe! Anlaki rin!

"Maddie, kain na tayo, gutom na ko eh" Tong si Fern oh! Di manlang nahiya, haha.

"Osige, tara na sa kubo" Pag aaya ni Maddie. Pagpunta namin sa kubo nila... WOW! As in WOW! Andaming pagkain!

"Hindi ka handa noh?" Biro ni Bill kay Maddie.

"Haha, tara, kain na tayo"

After naming kumain, nilibot kami ni Maddie sa bahay nila, mejo matagal tagal din dahil maluwang ito. Mga pasado alas singko ng hapon, napag isipan naman nila Fern na umupo muna beside the lake.

"Maddie, napupunta pa ba kayo dito sa rest house niyo?" Tanong ni Bill.

"Hmmmm... Di na. Simula nung...." Pinutol niya yung sinasabi niya. Samantalang kami, hinihintay yung kasunod na sasabihin niya.

"Nung?" Sabi ni Fern.

"Nevermind" Ano kaya yun? Hmmm...

"Tara, swimming nalang tayo" Pag aaya ni Maddie.

"Ay sige" Sabi ni Bill sabay tayo. "Mauna ka na Fern" Sabay tulak niya kay Fern patungong tubig. Tawang tawa naman kami sa naging itsura niya, naiinis siguro, haha.

"G*go ka talaga!!!" Tas umahon at hinabol ni Fern si Bill. Nung nahabol na niya to, pasakal niyang hinila si Bill papuntang tubig.

"Aray naman Fern, grabe ka makasakal" Habang hinihimas himas ni Bill yung leeg niya.

"Mabuti na yan, haha" Tignan mo tong si Fern, paiba iba ng mood, haha.

Tumalon na rin sila Ryan, Maddie, Nikki at Abby sa tubig. Ako at si Annie na lang hindi.

"Huy! Kayong dalawa! Dali na oh, sarap ng tubig" Pag inggit naman ni Nikki.

"No thanks" Sabi ni Annie. *ting* Ayaw mong lumusong sa tubig ah.

"Wag nang maarte" Tas tinulak ko rin si Annie sa tubig. Yan! Nagalit tuloy! Haha. Umuusok na yung ilong eh.

"PETER!!!!!!!!!!!" Grabe namang makahiyaw to, tanggal na eardrums namin. Hindi pa ko nakakapagsalita nang biglang hilahin niya ko patungong tubig. Tawa lang ng tawa sila Ryan. Habang kami naman ni Annie, nagbabangayan.

-

-

TBC....

THANKS FOR THE VOTES:

@KenkenKJ17

@elaizavk

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon