Chapter 9

687 3 0
                                    

MONDAY

Maddie POV

*KKKRRIIINNNGG*

Mmmmmm... Hay, aga aga pa eh.

*back to sleep*

-

"Anak, anak, gising na, di ka ba papasok?" Paggising sakin ni Manang. Teka!...

PAPASOK!!!

Bumalikwas na ko ng bangon. "O_O Manang?!" Sabay takbo ko papuntang Cr. "Bakit di nyo po ako ginising?"

"Eh kala ko exam nyo lang ngayon eh, kasi ganitong oras ka gumigising pag half day kayo sa Skwelahan nyo"

"A-anong oras na po ba?"

"10:30 na" -_-

Lumabas na ko ng banyo. "-_- Ganun po ba? D na po ako papasok" Tas humiga ulit ako. Haaaay! 10:30.

"Bakit?"

"Late na po ako eh, baka sabihin ng teacher na nag cut classes ako" Strict kasi lahat ng teachers sa school na pinapasukan ko, kahit sabihin mo yung explanation mo, wala ring mapapala.

"Osige, bababa lang ako ha" Sabi ni Manang. Tas lumabas na siya. Matutulog na sana ako, kaso may tumawag, hay nako naman! Di ko na tinignan kung sino, basta sinagot ko na lang. "Hello?"

"Maddie!!!!!!!" Sabay tanggal ko yung phone sa tenga ko, nubayan! Si Peter lang pala! Psh! "Bakit ba?!" Kainis naman oh!

"Late na tayo!!!!!!" Sigaw nya ulit. Grrrrr! Nakaka irita!

"Pwede bang hina- hinaan mo yang boses mo!"

"Late na tayo" Pabulong niyang sabi. Aba! Tss.

"Para kang nasisiraan, nu?"

"Papasok ka pa ba?" Tanong niya. Palibhasa kasi, yung mga teachers kahit late si Peter, walang explanation. Pinapapasok agad.

"Hindi na, matutulog na sana ako, istorbo ka naman!" Sabi ko.

"Osige na, matutulog na lang rin ako, b---" Bago pa niya matapos sasabihin niya nag babye na rin ako at pinatay agad yung phone ko. Makatulog na nga lang.

PETER POV

Ay, pinatay agad! Kahit kelan talaga! Matutulog na lang nga rin ako.

MADDIE POV

Mga 2:30 na ko nagising, naghilamos muna ko at bumaba na, nagugutom na ko kaya dumeretso na ko sa kusina. "Manang, Wala na po bang ulam?"

"Iha, meron pa. Kakain ka ba?"

"Opo" Tapos umupo muna ako sa counter.

*dati rati sabay pa nating, pinangarap ang lahat, uma...*

Ay! May tumatawag. "Hello? Annie"

"Gurl, bakit di ka pumasok? Pati si Peter, wala rin. Girl, umamin ka nga sakin, may ginawa kayo noh?"

"Wat???!!! Wala noh" Kung ano ano naman naiisip nitong si Annie.

"Magkasama ba kayo kahapon?" Tanong niya.

"Oo"

"Naku Maddie, sinasabi ko sayo, pa---"

"Annie, unang una, wala kaming ginawa, pangalawa, nagsimba kami kahapon at naglibot sa mall tapos pumuntang perya dun sa _______, at pangatlo, apat na oras yung byahe vice versa kaya kami ginabi at tinanghali na ng gising, ok na Annie?" Pagputol ko sa sinasabi niya.

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon