MY LIFE CHANGE

1.7K 7 0
                                    

Ngayon na pala ako mag uupdate, hehe. D ko mapigilan eh.

THE STORY BEGINS....

MADDIE POV

"MADDIE!!! GISING NA! MAY PASOK PA TAYO!" Urgghhh! Kainis naman tong babaeng to! Nakitang natutulog pa ko eh! Teka nga! Pano nga pala siya nakapasok dito?

"Annie! Natutulog pa ko eh!" Sabay talikod ko sa kanya.

"Maddie, it's first day of School! Unang araw ng klase absent ka? HUY! GISING NA!" Tapos inuga uga nya ko.

"Bukas na ko papasok, kilala naman na tayo ng teacher natin eh!" Tapos narinig kong lumabas na siya. Hay salamat! Natigil din. After 5 minutes, may pumasok nanaman at sabi niya "Ayaw mong gumising ah!" Teka! Anong gagawin ni---

Bumangon ako at "ANNIE!!!!" Binuhusan niya kasi ako ng tubig. Kaloka tong babaeng to! Tapos nag 'piece sign' siya, at tawa ng tawa.

"Sorry girl, gising na kasi!"

"Ayoko nga!"

"Pag di ka gumising, bubuhusan pa kita dyan ng tubig, sige ka!"

"Ayan na! Babangon na!" Bumangon ako at pumunta na sa banyo.

"If I know, ayaw mo lang makita si Peter kaya ayaw mong pumasok, haha" Hay nako! Yabang yabang kasi ng Peter na yon, kala mo kung sino.

"Yong asungot na yon?! Oo! Tsaka antok pa rin ako!" Sigaw ko mula sa banyo.

"HAHAHAHAHAHA" Tawa niya.

"Kung makatawa, wagas ah!" Comment ko.

"Yaan mo na yun girl! Gusto ka lang nun kaya ka inaasar! Haha" Hay nako! Sira na yata ulo ng kaibigan ko.

-

Here at School, wala pa ring pinagbago. Hinihintay namin ni Annie si Abby at si Nikki dito sa garden. Nung napadaan sila Fern, Bill at si Asungot, I mean, Peter, tilian nanaman ang mga girls except me. "Omygee! Ang cute talaga ni Fern!" Sabi ni Annie sabay tili. Crush niya kasi si Fern. Ayun na! Sila Nikki at Abby! Kinawayan namin sila para makita nila kami, pagkalapit nila. "Girls!" Sabay yakap samin. "Kamusta na?" Sabi ni Abby. "Ok lang naman. Wala pa ring pinagbago" Sabi ko. "Talagang wala, haha. Ganyan pa rin kasi style mo eh, nerdie looks" Sabi ni Nikki. "Try something new, K."

"Mmm, ok na ko sa looks ko" Sabi ko. "I don't want to change"

*RIIIINNGGG*

"Tara na, girls. Flag ceremony na" Aya ni Annie.

Tinignan muna namin yung sections namin, magkakasama kami syempre, ni request eh. Pagtingin ko sa boys, watttt??!!! This is the worst school year, magka section nanaman kami ni Peter. BV nanaman tuloy ako araw araw. Pag first day of School, it means, matagal nanaman yung Flag Ceremony, magsasalita nanaman yung principal, at president ng School. Napaka haba ng pag welcome nila kaya nangangawit tuloy ako sa kakatayo.

"..... That's all, thank you!" Nagpalakpakan kaming lahat, salamat naman at natapos na rin yung pag welcome nila. "You may now go to your classrooms" sabi ng isang teacher.

Pagka upo nmin sa armchair, nagsimula nanaman ang daldalan. Tapos biglang dumating naman si Peter at ang barkada nito kaya sigawan nanaman sa classroom. Nakita kong umupo na sila Bill at Fern sa tabi ni Annie at Nikki kaya todo kilig nanaman sila. Oh no! Sa tabi ko na lang yung available seat kaya katabi ko si asungot.

"Hi nerd" Sabi ni asungot.

Psshhh! Bahala siya sa buhay niya -_-

Dumating na rin ang teacher kaya nagsimula na rin kami, half day lang kami ngayon since first day of School naman.

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon