Music is Life

1.5K 13 0
                                    

Nagising naman si K ng madaling araw, nagulat naman siya na katabi niya si Vice kaya dahan dahan itong umalis sa kama, lumabas muna si K, umupo malapit sa paanan ng bundok at nakatingin sa malayo, iniisip pa rin niya si Vice... 

Maya maya ay nagising na rin si Vice, nakita niya na wala na si Karylle sa tabi niya kaya lumabas ito at nakita nga si K na nakaupo malapit sa paanan ng bundok, kaya lumapit ito sa kanya...

Vice: O K, aga pa ah. Kamusta nga pala pakiramdam mo?

K: Ok lang naman, salamat nga pala sa pag aalaga mo ha

Vice: Sus! Walang anuman, ikaw pa! Ano nga pala ginagawa mo dito? *upo sa tabi ni K*

K: Wala, nag iisip lang

Vice: Ano?

K: *pabulong* Ikaw

Vice: Ha?

K: Sabi ko, madami

Vice: Tulad ng?

K: Ihhhh, wag na, sakin lang yon noh... Alam mo, ngayon ko lang nalaman na may Rest House ka pala dito

Vice: Ah oo, ikaw pa lang nakakakita niyan, hindi ko pa kasi nadadala si Nanay dito eh

K: Nagkabalikan na ba kayo ni Baby Boy?

Vice: Oo naman :)

K: Ahhhhh :(

Vice: Bakit? Selos ka noh?

K: Hindi ah... *nakaisip ng palusot* Iniisip ko lang kung magkano nagagastos mo sa isang araw, hahaha

Vice: Grabe ka, hindi naman araw araw

Pagkatapos nun, nakatingin lang sila sa malayo, nang nagsalita si K...

K: Alam mo, sana music na lang yung buhay natin *nakatingin pa rin sa malayo*

Vice: *tungin kay K* Bakit?

K: *nakatingin sa pa rin sa malayo* Para ipe- play at ipo pause lahat ng memories, stop all the pain, irerewind yung mga happiness at ifafast forward para mag move on... Sana maalala na niya lahat, ansakit kasi pag ganito eh, *nagsimulang umiyak* iba yung kinikilala niyang mahal niya 

Vice: O, *pinunasan yung luha ni K* Wag ka nang umiyak, maaalala niya rin lahat, wag kang magalala, bakit ayaw mo kasi sabihin sa kanya?

K: Gusto ko kasi siya mismo ang makaalala, walang sabi sabi, kaso mukhang malabo eh

Vice: Susuko ka na lang ba ng ganon ganon?

K: Syempre hindi noh, mahal ko kaya yun

Vice: O, yun naman pala eh, alam mo ganito na lang, puntahan niyo kung saan kayo nagsimula, kung saan yung pinaka maraming memories na napuntahan niyo at syempre kung anong bagay na posibleng mag papaalala sa kanya

K: *hugs Vice* Salamat ha (I miss you Vicey :( )

Vice: Tara na, wag ka nang emotera, ganda mo pa naman pag bagong gising, hahaha

K: Ang aga mambola ah, hahaha

Vice: Yan! Dapat lagi kang naka smile, tara na nga bestfriend! *akbay kay K*

K: Tara! (Ansakit! Bestfriend?!)

Pumunta na sila sa isang kubo para kumain ng sabay sabay kasama yung mga taga roon, maaga rin silang umalis dahil may Showtime pa sila at wala rin silang dalang damit, takot na takot namang bumaba si K kaya nauna muna si Vice para kunin yung kotse nila, mga 3 oras na sila bumyahe at ibinaba ni Vice si K sa condo niya, at si Vice naman pumunta na rin sa condo niya para magmadaling magbihis, sabay din silang nakapunta sa Showtime ng late, dire diretso silang pumunta ng stage at naghiyawan naman ang mga Madlang People...

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon