Chapter 19

348 3 0
                                    

MADDIE's POV

Nasa park ako ngayon. Magkita daw kasi kami sabi ni Peter, kanina pa ko nandito pero wala pa rin siya. Nasan na ba yun?

"Maddie!" Ayun! Salamat naman at dumating na!

"Peter! Ano pala nakain mo at may mahalaga kang sasabihin?" Umupo naman kami sa swing.

"Uhhhh, ano kasi... Pano ba to?" Sinimula na kong kabahan, ano kaya yun?

"Hey, what's wrong?" Hinawakan ko siya sa kamay niya. Namamawis.

"H-how are you? Di na kasi tayo madalas nagkikita eh" First question, I think.

"Good. Ikaw ba?" Eh sa wala akong masabi eh.

"Okay lang" Tsaka siya ngumiti.

Silence. Silence filled. Actually, madaldal tong si Peter eh, weird lang at tahimik siya na kinakabahan. Wala rin tao dito sa park, tanging kaming dalawa lang.

"Naalala mo ba? Nung una tayong nagkakilala.." Thank god! Nagsalita na rin. And yeah, I remembered that, yung nahimatay ako at siya nagdala sakin sa clinic, dun ko siyang unang nakilala. Kaya naman tumango ako. "Alam mo, nung simula nung nakilala kita, nagiba yung buhay ko, yosi, alak, gimik, yan yung mga ginagawa ko dati kung alam mo lang. Pero, everything changed nung simula kang dumating sa buhay ko, nung inaasar kita, diba sinabi ko na sayo yun nung nasa rooftop tayo? Sinabi ko rin sayo na yung daddy ko, ayaw sakin nun. Pero nung kinausap ko na siya, nakalimutan ko sayo to sabihin pero bati na kami, at dahil sayo yun, salamat" Napangiti ako sa sinabi niya, buti naman nakatulong yun. "Alam mo... I-I liked you in the first place.." Ano daw??!! "Pe-pero as a friend lang" Wew! That was close, kala ko kung ano na. "Then, simula nung naging magkaibigan na tayo, bestfriends actually, nasimula na kong nahulog sayo, everyday, everytime I see you, bumibilis yung tibok ng puso ko. Kala ko nga nung una, normal lang, pero hindi eh, iba na eh. Nung nasa rest house niyo tayo, crush na kita non. Paunti unti hano? Pero ganon talaga eh, ganun pala yung love. Nung nagkausap naman kami ni Fern, nakita niya kong nakatingin sa picture mo. Ayun, alam ko na yung pagmamahal... And I just found out that..... Mahal na pala kita" No! No! Don't do this Peter! Hindi pwede! "Akalain mo nga naman noh? Nainlove pa ko sayo. Ang Maddie na weird, smart headed at nerd ay nainlove sayo ang gwapo na walang inatupag kundi gala na si Peter, Maddie, ako. Naalala ko pa nga eh, nung kumain tayo, nung nagtanong sayo si Annie, na kung may manliligaw ka, papayagan mo ba. Alam mo, ang sakit na hindi ka pa umaamin busted ka na agad" Naiyak naman ako bigla, mahal niya ko? Pero, hindi talaga pwede eh! Tsk! Peter! Masasaktan ka lang sa huli! Itigil mo na!

"Peter, I'm glad na umamin ka, oo, mahal din kita, pero mahal kita bilang kaibigan, sana maintindihan mo" There! I said it! Sabi ko na nga ba eh! Masasaktan lang siya.

"Wala na ba talaga akong pag asa?" Hindi na ko nagdalawang isip na umiling. Ngumiti na lang siya tsaka tumayo.

"Okay, okay naiintindihan ko na. Salamat na lang"

"Peter. Sorry" Sabi ko habang umiiyak.

"No, you don't have to. Ako naman may kasalanan eh, umasa ako.. Yun lang naman pag uusapan natin. Bye... Maddie" Sabi niya tsaka naglakad palayo, napahilamos na lang ako, ano ba to! Sinaktan ko yung BESTFRIEND ko!

Bigla naman siyang huminto at nagsalita, "Sana balang araw, buksan mo na yang puso mo para sa iba. Magmahal ka Maddie, hindi yung isasarado mo agad yung puso mo" Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. Ganun ba talaga ako? Natatakot kasi ako magmahal eh. Natatakot ako kasi baka masaktan ako. Ang pinakaayaw ko kasi yung masaktan. Ayoko rin maranasan yung pinagdaanan ni Mama. Tsk! Ang hirap naman magdesisyon ng ganito.

-

Umuwi ako sa bahay na tulala, nandon si Mama pero di ko siya pinansin.

"Anak, are you okay?" Tanong niya. Nag nod na lang ako, ayoko siyang magalala. Tumakbo na lang ako pataas at umiyak sa kwarto ko. Naririnig ko namang kumakatok si Mama.

"Anak, open the door" Sabi niya. Pinunasan ko muna yung luha ko bago buksan yung pinto. Ngumiti na lang ako kay Mama. Fake smile.

"M-ma, b-bakit po?"

"Tara, usap tayo. Punta ka na lang sa garden" Tas umalis na si Mama. Nakakagulat lang, woah! Nagkaroon din siyang time sakin, sa wakas! Eto na siguro yung mother-daughter bonding namin. Sumunod naman agad ako sa baba. Nakita kong nakaupo si Mama sa pool, nakalublob yung paa niya. Sumunod na lang ako sa kanya at tumabi.

"Ano po ba paguusapan natin?" Tumingin lang siya sakin. Maya maya nagsalita na rin.

"Baka ikaw dyan yung may kwento?" Wow! As in wow talaga! Eto na siguro yung pinakamasayang araw na nakasama ko si Mama after 2 years ago. Tulad nga ng sinabi niya, nagkwento naman ako, halos lahat yata, simula nung first day of school hanggang ngayon. Naikwento ko rin sila Peter, Fern at Bill. Tuwang tuwa naman si Mama sa mga naikukwento ko. I was thinking kung sasabihin ko ba sakanya yung nangyari kanina o hindi?

"Anak, I know na may problema ka? What's that ba?" Bigla na lang ako napayakap kay Mama sabay iyak, ewan ko ba. Ang sakit kasi eh, lalo na nung huli mo na narealize na... Mahal mo rin pala siya. Oo, I love Peter, pero madaming 'paano' sa utak ko eh. Paano kung hiwalayan niya ko? Paano kung ipagpalit niya ko sa iba? Paano pag minahal ko siya nang sobra tapos sa bandang huli ako rin masasaktan? Paano kung magsawa siya sakin? Haiiissstt! Sakit sa ulo!

"Mama, what if I told you... Na may nanliligaw sakin pero---" She cut me.

"That's great! Anak, alam mo kasi, napagisipan ko na pwede ka nang magmahal, hindi na kita pagbabawalan. Alam mo naman kasi dati diba, napaka bitter ko kaya ayokong kung sino sinong lalaki yung lumalapit sayo, tsaka subsob na rin ako sa trabaho kaya napapabayaan na kita. Anak sorry ah, sana maintindihan mo si Mama... Alam kong 2 years ago na yon pero hindi talaga ako maka move on dati eh, pero good news dahil I'm moved on, masayang masaya siguro yung papa mo sa langit kasi bumalik na ko sa dati" Niyakap ko naman si Mama. I miss her so much! Yung dating Mama ko finally! Bumalik na din!

"Thanks to Peter" Wait! Anong 'thanks to Peter'? Natawa naman bigla si Mama sa reaksyon ko.

"Siya yung nagpa realize sakin ng lahat... Teka, umamin na ba siya sayo?" Alam ni Mama?

"Alam nyo po?" Aba! Kinikilig pa ata si Mama eh.

"Oo, nagpaalam pa nga siya sakin eh kung pwedeng ligawan ka. Pero sabi ko na lang na it depends on you. Anak, ano? Pinayagan mo ba siya?" Ang saya ni Mama ngayon, I can't believe it! Ginawa niya talagang kausapin si Mama? Napabago pa ah? Shet! Wrong decision! Bigla namang na disappointed si Mama, alam na kasi niya yung sagot. Kapag hindi ko siya nasasagot, it means 'no'.

"Alam mo, I'm happy na sinunod mo yung utos ko, pero pano pag wala yun? Papayagan mo ba siya manligaw?" Siguro hindi, pero a part of me na nagsasabi ng oo. Hay! Ewan ko!

"Isa lang ang tanong dyan, mahal mo rin ba?" Tumango na lang ako, totoo naman eh!

"Kung mahal mo.... Ay jusko! Maddie Padilla! Kumilos ka na! Aba'y puntahan mo na siya sa bahay nila! Baka umalis na yun!" Umalis?

"Saan siya pupunta?" Kalma kong sagot kaya napa pokerface si Mama.

"Seeiously, Maddie? Di mo alam na lilipat na ng tirahan sila Peter? Palagay ko sa America na ata" America?! Shet! Kelangan kong humabol.

-

To be continued...

Hay! Nakapag UD din! Two more chapters na lang tapos na! Yihiiee! Thanks sa mga nagbabasa!

SHORT UD

Isa ko pang account sa wattpad: @LoveyDovey_xoxo

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon