Chapter 2

1K 6 0
                                    

MADDIE POV

*RIIINNNNGGG*

Goodmorning World! This is a very bad day for me, gegerahin na ko eh. Naligo na ko at kumain, nagpasundo rin ako kay Annie, siya na lang kasi kakampi ko eh, haha. Habang hinihintay ko siya, nanuod muna ko ng tv, maya maya, may nagdoorbell na, si Annie na siguro yun. "Goodmorning girl!" Sabay beso sakin. "Bakit ka nga pala nagpapasundo?" Dagdag niya.

"Susugurin kasi ako ng mga girls mamaya eh" Sabi ko.

"Susugurin? Sino?"

"Yung girls or fans ni Peter, baka nabalitaan na nila eh. Patago muna sa likod mo mamaya"

"Hahaha, change your styles kasi, baka di ka makilala pag ganun"

"Hindi, ayoko. Pwede tara na, male-late na tayo eh"

Pagdating namin sa School, ayon na! Wahhh! Andaming babaeng nakabantay, ako siguro pakay nila. Nakatago kasi kami sa isang tindahan.

"Gurl, dami ng fans ni Peter oh kahit di artista, patay ka nyan, di ka makakapasok. Hala! Kasama din si Kaye" Sabi ni Annie.

Si Kaye Yu, tsaka yung barkada niya na si Denise, Joy, at Belle, hate na hate nila ako, halos mapatay na nga nila ako dati eh, buti dumating si Eric, yung isang heartthrob dito dati nung 3rd year kami, friend ko yun, pero umalis na siya sa School na to, ewan ko ba. Di daw sila Kaye pinapansin ni Peter, parati daw ako kahit inaasar lang, sila iniisnob. Sino kaya magtatanggol sakin ngayon? Lord! Help me.

Maya maya nakatingin na sakin si Kaye at sinigaw na "Si Maddie!!!" Kaya nagtakbuhan sila papunta sakin. Ako? Tumakbo na rin, pina iwan ko na si Annie baka kasi madamay siya. May humarang naman sakin sa harap, tingin ko kasama sa fans ni asungot.

"Going somewhere, Maddie?" Sabi ni Kaye. Kinakabahan na ko! Ano kayang gagawin neto?

"Why'd you punch Peter?" Tanong sakin ng isang girl.

"Hoy! Alam mo bang isang aray lang ni Peter, kami na ang kalaban sa nanakit sa kanya?!" Sabi ng isa nanamang fan ni asungot.

"Ano siya?! Artista?! Fan na fan nyo?! Mukha kayong mga nagpapaka tanga sa kanya! Asa ng asa. Tsaka, sa kanya ba kayo sumasamba? Isang sakit lang niya, susugurin nyo na agad yung tao kahit di sinasadya?! Tsk!" Sagot ko sa kanila. Ayan na, di na sila nakapagpigil, sinabunutan at sinaktan na nila ako, isa lang ako, madami sila, kaya nang hina nako, nanlalabo na rin paningin ko, nakita ko na lang sina Annie, Abby at Nikki na tinulungan ako, at tatlong lalaking di ko na mamukhaan na----- *BLANK*

-

Paggising ko, nasa clinic na ko, pano ako nabuhat nila Annie? Hmmm...

"Girl, ok ka lang?" Tanong sakin ni Annie.

"Patay talaga sakin yang mga babaeng nanugod sayo, teka lang ha pupuntahan ko" Sabi ni Abby. Bago pa siya makaalis hinawakan ko na yung braso niya, baka kasi siya masaktan dahil sakin.

"Ok na ko, wag mo na sila sugurin" Sabi ko. Tapos biglang may pumasok, si Nikki.

"Maddie, ok ka lang?" Tanong sakin ni Nikki. Nag nod na lang ako. "Nakausap ko nga pala yung Principal, suspended in 1 week daw yung mga babaeng yun" Sabi ni Nikki.

"Sino nga pala nagbuhat sakin kanina?" Tanong ko. Lakas naman nila Abby kung binuhat nila ako. Bago pa sila makapagsalita...

"Ako" Sabi ni... Peter?! Anong ginagawa niya dito, tsaka mukhang may malasakit din siya ah. "Ok ka na ba?" Sabi niya.

"O-oo" Sabi ko na lang.

"Uhmmmm, girls, mabuti pa labas na muna tayo" Sabi ni Annie. Tapos lumabas na nga sila. Hay nako!

"So-sorry nga pala... yung sa... nangyari kanina" Sabi niya. WOW! It's a miracle! Nag sorry sakin ang isang Peter Borja.

"Ok lang, anong oras na ba?"

"12:30 na, tapos na yung klase"

"A-ano yung tinuro sa inyo?"

"Wala pa, yung sa Class Officers lang, medyo nagtagal din"

"Ok"

Awkward Silence... Kaaway ko, nagmamalasakit? Totoo kaya yun? Haaaaay!

"Kelan nga pala kita itsutsutor?" Tanong ko.

"Pag simula na lang ng klase" Sagot niya. Aba! Mabait rin pala sa salita pero sa gawa, walang wala, haha.

"Where's your parents, by the way? Di ka ba nila pupuntahan dito?" Tanong niya.

"Ah, eh, hindi" Sabi ko.

"Bakit?"

"Uhmmmm, pwede na ba kong umuwi? Inaantok na kasi ako eh" Pag change ko ng topic.

"Oo daw sabi ng nurse dito, kanina pa" Tapos nagsmile siya. Urrrggghhh! Kanina papala ako pwedeng umuwi, nag stay pa ko dito kasama tong Peter na to.

"Osige na, aalis na ko" Sabi ko sabay alis na at umuwi sa bahay.

Kain muna ko, syempre! Kakagutom eh. Matutulog na sana ko pero kahit anong ayos ko sa kama, si ako makatulog kaya nagluto na lang ako ng popcorn at nanuod ng movie. Na ang title ay "The Miracle Worker" Medyo luma noh? Pero sabi nila na maganda daw.

Habang papatapos na ang palabas, naiiyak na ko at napasabi na "Buti pa si Helen, kahit madaming kapansanan, inaalagaan pa rin siya ng pamilya niya at buo rin silang pamilya. Haaaay! Sana balang araw, maging buo rin kami kahit wala si Papa" Nawala na yata ako sa sarili ko eh, haha.

-

-

To Be Continued...

Sorry for the short UD...

Forever and Ever-Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon