AN: Guys mag papasko na regalo nyo sakin wag nyo na ibalot hehehe.
Continue....
Patrick POV
Nasa publication room ako ngayon kasi eni edit ko ung content ng ippublish naming issues sa school mag.
"Kuya Pat balita ko kukunin ka daw ng CHANGE Partylist bilang President this coming SSC Election ahh" Balita ni Mica, isa.sa mga writers ng Publication namin.
"Kanino naman galing yang balitang yan.?" tanong ko.
"Eh alam mo na naman dba, matagal kna nilang nililigawan na maging part ng Partylist nila. Ewan ko ba sayo bat ayaw mo eh lahat ng characteristics ng isang magaling na Leader meron ko." Suhistyon nya
"Eh sa ayaw ko eh, parang di ko kaya.." sagot ko.
"Asus di kaya?? Eh Regional Debate nga napanalo mo eh, kaw talaga kuya. Try mo lang kuya wala naman mawawala eh. Tsaka mas madaming benefits ang nakukuha ng mga SSC officers keysa sa ibang organizations." Dagdag ni Mica.
Kung sa bagay alam ko, full scholarship within the term daw ang President. May scholarship na naman ako pero atleast dagdag credentials din yun. Kaso parang di ko kasi talaga kaya. Baka kung lower position ioffer nila iggrab ko pero as President ambigat na sya masyado nun.
Habang nag eedit ako ng content para sa school mag namin, biglang pumasok sa office namin ang isa sa mga section editor na si Chino.
"Guys alam nyo na ba ang balita." Bungad ni Chino ma hinihingal pa.
"Malang kuya Chi hindi pa, anu ba yun??" Sagot ni Mica
"Usap usapan sa labas na approve na daw ang pag taas ng tuition fee next sem, balita ko papagandahin daw nila ang Sports program ng school." Balita ni Chino
"Hindi nan ata tama yun, oo maganda ang hangarin nila pero may mga bagay pa na mas dapatpav tuunan ng pansin di lang ang athletic fields. Luho na nga sa incentives yung mga athletes pati ba naman sa programa nila satin pa ipapasa." Kumento ko
"Kaya nga kuya, hindi naman lahat ng nag aaral dito mayayaman eh, pano naman kaming mga mahihirap.??" Chino.
"Mali yang ganyan, dapat kasama sa pulong ang SSC para mapag usapan ng maayos yung desisyon na yan." Ako
"Eh yun na nga kuya eh, ang balita pabor daw sa SSC yung desisyon ng board. Balita ko kasi jowa nung SSC president yung isa sa mga varsity ng basketball. " Chino
"Grabe naman yun, nako kuya Pat dapat talaga tumakbo kna ngayong election. Ikaw lang ang kilala kong kayang ipag laban yung karapatan nating mga studyante." Mica
"Oo nga kuya Pat." Chino
"Ayyy nako, diba sinabi ko na sa inyo, Ayoko!" Ako
Napaisip nalang ako bigla sa maaaring epekto sa mga studyante dito sa school kung sakaling ipatupad na ang dagdag matrikula next sem. Paniguradong rally Ang labas neto.
Sa canteen...
"Pre alam mo na ba yung balita tungkol daw sa pag taas ng tuition next sem?" Tanong ni Jes
"Oo ,usap usapan sa office kanina yun. Grabe nga eh agad agad." Sagot ko.
"Nako panigurado world war 3 dito sa school nun." Jes
Habang kumakain kaming mag babarkada ay may lumapit saming grupo ng mga studyante.
Kilala ko ang grupo nila."Good morning Mr. Patrick Arceno, I am Irish of CHANGE Partylist. Sorry to interrupt your meal sir, can we ask your time a bit?" Tanong ng kanilang leader
