AN: Guuuuyyyssss sorry hahaha, Tinatamad si Author mag sulat. Dami ko kasi ganap eh.
Shoutout pala sa isang reader ko si @HeaventasticFries, Follow nyo sya at basahin nyo din works nya "Coffee Favored Love Story".
Anyways leggo..
Jes POV
Grabe pre ansakit padin pala kahit alam kong hanggang bestfriend lang ang turing sakin ng pinaka mamahal ko.
Masakit din palang makitang masaya sya sa piling ng iba.
Throwback...
Likas sakin ang pagiging masayahin at palakaibigan. Hidden identity ko ito dahil na rin sa kakulangan ng atensyon sa pamilya. Only child ako ng mga magulang ko at wala kaming masyadong bonding dahil busy sila lagi sa negosyo namin. I remember during my graduation in elementary, Yaya ko lang kasama kong nag martsa sa stage. hanggang sa lumaki ako ay nasanay na akong mga kaibigan ko lang ang unang takbuhan ko pag may problema ako.
Nasa Saint Francis University ako ngayon, ittry kong mag take ng entrance exam dito. Dahil sa likas kong charm ay mabilis kong nakagaan ng loob ang mga facilitators ng exam at sinabing antayin ko daw muna ang ibang mag ttake. Habang inaantay ang oras ng exam ay may napansin akong lalaking tila naliligaw.
Nilapitan ko sya
"Pre mag ttake ka din?" Tanong ko sa kanya.
"Ah oo, naliligaw ako eh.. Hehe." Sagot nya sakin.
Bigla akong natulala sa hitsura ng lalaking ito. Hindi naman sya kaputian pero di din naman maitim. Pero ang mas napansin ko ay ang kanyang mga matang napaka enosente. Tila mga matang hindi kayang mag sinungaling. Bumalik ako sa aking katinuan.
"Dun sa kabilang room ung registration para sa mga mag ttake ng exam." Sagot ko sa kanya ng may kasamang malaking ngiti.
"Aahh hehe thank you :)" sagot naman nya.
Bigla ulit akong natulala dahil sa napaka cute nyang ngiti. May mga kung anong nangyayare sa loob ng akin sikmura.
Nilakasan ko na ang loob ko."Jes nga pala pre, short for Jesnym." Sabi ko sabay abot ng kamay ko.
"Pat... Patrick, nice meeting you." Sagot nya.
Sabay kaming nag take ng exam. Hanggang sa pag take ay katabi ko padin sya.
Lumipas ang ilang araw ay lumabas na result ng exam sa online website ng school, pasado ako syempre. Somehow hinihiling ko na pumasa din sya para ma chance na nakita ko sya ulit..
Anu ba tong iniisip ko. I sound so gay...
Bumalik ako sa SFU para mag enroll. Until now undecided padin ako sa course na ittake ko. Wala naman kasing pakialam ang parents ko sa buhay ko..
Nasa admission ako para kunin ang result ng exam ko. Pag pasok ko sa loob ng office ay saktong nasa loob din si Patrick kausap yung head sa admission at narinig ko ang usapan nila.
"Congratulation Mr. Arrceno, you Top the entrance exam. You are qualified to apply the full scholarship program here in SFU." Sabi my head ng admission.
WTF??? Sya ang nag Top??? Edi halimaw pala ang utak ng lalaking to. Parang mas lalo akong humanga sa kanya.
Palabas na sya nya office ng mapansin nya ako.