AN: Halos taon ko na ata di nagalaw tong story na to. Again sorry guys, life has been busy to me. After graduation andami nangyare. Pero hope subaybayan nyo padin tong story na to. Thank you so much.
Leggo
Patrick's POV
6:00am palang at andito na ako sa labas ng bahay.... mali Mansyon??... Mali padin, Palasyo ata tong tinitirhan ni Jes, bitbit ko ang munting peace offering ko sa kanya. Grabe sobrang laki talaga ng bahay nila. Nung unang punta ko nga dito ay naligaw pa ako sa loob.
Bbbzzzzzz bbzzzzzz!!
Pag pindot ko ng doorbell na nasa gate. Meya meya pa ay may lumabas na katulong at tinanong ko kung andyan ba si Jes. Pinapasok naman ako neto, nakilala ata ako sa mukha.
Grabe nakalula sa laki ang bahay nila. Siguro kung kami nakatira dito sobrang saya ko. Pero kung gano kaganda ang bahay na to ay syang lungkot naman ang mararamdaman mo dito.
"Patrick??? Ayyy ikaw nga!! Nako bakit ngayon ka lang ulit dumalaw dito." sambit ng isang may edad na babae.
"Manang Helen kumusta ho, namiss ko kayo. Mukhang lalo tayong gumaganda ngayon ahh." pagbibiro ko sa mantanda sabay yakap dito.
Simula ng ipasyal ako dito ni Jes ay nakilala ko na si Manang Helen. Sya na din ang tumayong Guardian ni Jes.
"Kaw talagang bata ka, bolero ka padin. Anu bang sadya mo dito." tanong ng matanda.
"dadalawin ko lang po yung alaga nyong damulag." sagot ko.
"Nako panigiradong tulog pa yun. Lasing na naman kagabi un eh. Ewan ko ba sa batang iyan kung anong pinagdadaanan, pag tinatanong ko ayaw naman mag kwento. Ikaw ba may alam sa pinagdadaanan ng kaibigan mong yan? Tanong ni manang sakin.
Alam kong parte ako sa kung anu man ang problema ni Jes ngayon. Kaya nga andito ako para kausapin sya eh.
"Ahh ehh di ko din po alam Manang eh." sagot ko.
"Basta damayan mo nlang sya ha. Alam mo namang bukod sakin ay ikaw sayo lang nakikinig yan."
"Opo Manang, akyatin ko nlang po sya sa kwarto nya." sabi ko sabay alis na din.
Tinungo ko ang kwarto ni Jes.
Tok tok tok!!
Kumatok muna ako, pero walang nag bukas kaya pinihit ko nang ang door knob at binuksan ang pinto nya.
At WOW!!!
Ang kalat. Anu ba namang tong lalaking to, nagkalat ang pantalon, t-shirt, bote, chichirya sa sahig. Nakita ko sya naka dapa sa kama habang humihilik.
Pero mas nakapukaw pansin sakin ang ayos nya, naka boxer lang sya. Napatingin ako sa hubog ng katawan nya. Halatang alaga na din ito kasi ang ganda ng form ng balikat nya, ang ganda ng pa V shape nyang likod at ang pwet nya.....
Anu daw?? Ano ba tong iniisip ko... Patrick umayos ka nga.
"Baluga gising!!!" yugyog ko sa kanya.
Zzzzzzz Zzzzz
Grabe naman tong taong to, tulog mantika talaga..
Aahhh alam ko na.
