Part 15

285 13 11
                                    

AN: Salamat sa patuloy na pag tangkilik ng story ko. Salamat sa suporta at pangungulit ngunit ikinalulungkot kong sabihin na malapit na mag tapos ang kwentong ito. Gayun pa man mananatiling buhay ang character ng ibang cast dito sa mga susunod kong kwento. Thanks guys..

Leggo!!!

Patrick's POV

Di padin ako maka paniwalang pangalan ko ang naka lagay sa Tarpulin.

Sabay sabay nilang kinanta ang chant na pinasikat ng partido namin.

"Patrick Arceño para sa pagbabago!!!"

Dumating sila Alexa, Bianca, Jes at ang iba pa naming ka partido. Isa isa nila akong binati at halos bakas padin ang gulat at pagtataka sa mukha ko.

Papanong.....???

Debate Society Office.

"Guys first of all I just wanna sa thank you for all your efforts. Di tayo nabigo, naipanalo natin ang laban. Alam ko may mga ilan ditong hindi nanalo pero diba nangako tayo na ang panalo ng isa ay panalo ng lahat." Sabi ko, nagpalakpakan naman sila.

"Ngayon maniniwala na akong may Himala, at alam kong si God ang gumawa nun. Nakita nya ang sipag, determinasyon, at puso natin sa kampanyang eto." Dagdag ko..

"Amen. But I guess you owe a thank you to someone." Alexa.

"I thank everyone here who has been working their butts of for this election." Ako

"Uh uh, I referring to Mr. Veneracion of HONEST Party." Alexa

Huh?? Anu naman kinalaman ni Javier dito eh sya nga itong dahilan kung bakit muntik na kaming matalo sa eleksyon na to eh.

Tiningnan ko ang mata ng nga kasama ko at parang lahat sila ay agree kai Alexa.

"Ayaw mo kasi makinig samin Pat. Javier did something that really helped you to win the election. When you walked out during the Meeting de Avance, he immediately came up on stage and try to fix everything. Sinabi na din kung ano ang ginagawa mo sa condo nya. What shocked us the most is pinagtanggol ka nya. Sinabi na lahat ng mga katangian ng isang magaling na leader ay nasayo na. Para ngang kilalang kilala ka nya eh, well anyways we all agree naman sa sinabi nya." Paliwanag ni Alexa.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Di ko alam na ginawa pala yun ni Javee. All this time akala ko wala syang pakialam sakin.

Kaya siguro pumunta sya sa bahay para ipaalam ang nangyari. Ang tanga ko kasi di ko man lang sya pinakinggan. Masyado akong nabulag sa lungkot at puot. 

Agad akong tumakbo sa Architecture department para kausapin si Javee. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya..

Nakita ko ang ilang kapartido nya at tinanong ko kung nasaan si Javier. Sabi nila ay hindi daw ito pumasok. Nadismaya ako, baka masama ang loob nya sakin.

Bumalik nalang ako sa office namin. Madami namang bumati sakin at malugod ko naman silang pinasalamatan.



Lumipas ang ilang araw at Induction na, ito ang ang araw kung saan manunupa na ang lahat ng nanalong mga kandidato sa posisyong kanilang tinakbuhan. Ilang araw na rin ang nakakaraan mula ng nanalo ako ay hindi ko padin nakakausap si Javier para makapag pasalamat. Pag may time ako'y dumadaan ako sa department nila kaso lagi nipang sinasabing hindo daw ito pumasok. Medyo nalulungkot din akong isiping baka masakit sa kanya ang pagkatalong natamo.

Nandito kami sa Gym ng University ngayon, nag decide ang partido naming gawin na ding students night ang event na to para magsilbing victory party nadin namin.
May sayawan, programs, palaro at iba't iba pa.

VOTE WISELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon