AN: Nagbakasyon pero team bahay padin. Simple life here the province. No stress, no traffic, no rush hour, no sleepless nights.
Let's see how this chapter will go.
Leggo!!
Patrick's POV
"You all know me guys right?? Nanalo akong Ms. SFU dati not because of my physical looks, but because they've seen the inner part of me. Transparent akong tao, wala akong tinatagong sekreto sa sarili ako unlike other people out there. I'm not like other Youth that pretends to be Honest and aiming for a Change." Sabi ni Brigitte Velasco
Mukhang pinapatamaan nya ang ibang partido.
"Try to look at these photos." Dagdag nya at sabay flash ng mga pictures sa screen ni Mr. Asuncion ng YOUTH Party na nakikipag inuman sa mga boarding house. Ito ang dahilan bat nasuspend ang partido nila.
"Oh wait there's more." Sabi nya.
At nag flash ang picture ng dalawang lalaking mag kayakap sa isang hallway.
At laking gulat ko kung sino ang dalawang lalaking ito.
Si Javier yung isa.
At yung isa ay..
Ako...
Hindi ako naka kilos sa kinauupuan ko. Nag simula nang magsi tingingan ang iba kong mga kapartido sakin. Maging sila Bianca, Alexa, at Jes ang may halong pag tataka din.
Ang mga litratong nag flash sa screen ay kuha nung time na dinala ako ni Javee sa condo nya. Nakasandal si Javee sa pader habang naka yakap ako sa kanya. . Wala akong kaalam alam sa nangyare.
Nag simulang mamuo ang galit ko, napakuyom ako ng kamay. Kundi dahil sa plano ng Javier na yan na dalhin ako sa condo nya ay di sana mangyayare ito.
May mga naririnig na akong negatibong commento. Karamihan dito ay...
Bakla pala...
Nasa loob ang kulo..
Sayang crush ko pa naman sya...
Iilan lamang ang mga ito sa mga narinig ko. Nagsimulang mamuo ang nga luha sa gilid ng mata ko. Di ko nakayaan ang pangyayare kaya tumayo ako't dali daling nilisan ang gym. Alam kong halos lahat ng tao doo'y nakatingin sakin. Nang makarating ako sa gate ng University ay agad kong nilakad ang kahabaan ng daan. Di ko alam san ako pupunta basta ang gusto ko ay maka alis ako sa lugar na yun. Di ko inintindi ang inet ng araw basta lakad lang ako ng lakad.
Maya maya ay may narinig akong mahina busina ng sasakyan. Nilingon ko ito at nakita kong sasakyan ito ni Jes. Pumara ito malapit sakin at agad din naman akong sumakay.
Tahimik lang akong sumakay sa kotse, maging si Jes ay di nagsalita at itinuon nlang ang atensyon sa pag mamaneho.
Bakit labis nga lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Tumulo ang luha sa kanang mata ko. Agad ko namang itong pinunasan, alam kong makita iyon ni Jes.
"Ahm.. San tayo punta?" Tanong ni Jes, pambasag sa aming katahimikan.
"Kahit saan..." walang gana kong sagot.
At muling naging tahimik ang aming byahe.
Pinara ni Jes ang kotse nya sa lugar na sa tingin niya ay makakatulong saking ilabas ang mga hinaing ng aking damdamin.
Libingan ng mga Bayani
Ang basa ko sa arko ng lugar. Medyo matagal na panahon na din nang huli kong binista ang puntod ng yumao kong papa.