AN: Nakakatamad mag review wiw.. Bahala na si Batman sa Finals.
Lets Go.
Patrick's POV
Andito kami ng partido ko ngayon sa may SFU Debate Society office, ito ang aming office for the mean time. Maaga palang ay abala na kami sa pag gawa ng mga flyers and freebies. This weekend ang voting day kaya sobrang busy na kami.
Habang nag ccut kami ng mga flyers na ipamimigay namin maya sa campaign at dumating ang isang member namin na si Mica, isa sa mga writers ng SFU Publication.
"Guys!! Guys!! Alam nyo na ba ang balita?" Sabi neto na hingal na hingal pa. Halatang tumakbo pa sya.
"Spill it Mics." Sabi ko
"Banned daw for 2 days sa campaign ang YOUTH Party." Balita nya
"Oh why?? Kawawa naman sila Papa Richard Asuncion." Sabi ni Alexa.
"Nahuli kasi sila nung weekend na nag sponsor ng inuman sa mga dorms malapit sa school. Eh against SSC rules daw yun at considered as vote buying." Dagdag ni Mica.
"Yeah it's against the rules guys kaya dapat mag ingat tayo sa plano natin. I'm hoping na walang gagawa ng kahit anong hakbang ng wala sa plano natin. Am I clear??" Sabi ko sa kanila.
"Yes Pres." Sagot nila. Pres na din tawag nila sakin..
Kung banned ang YOUTH Party dahil nagawa nila. Madaming supporters ang mawawala sa kanila. Pwede kaming gumawa ng hakbang para dito, lalo na sa Maritime Department na balwarte nila.
Nang makarating kami sa Maritime Department, nagulat kami kasi andun na ang partido ng HONEST, naunahan nila kami. Kaya no choice kami kundi proceed to plan B, ang College of Architecture. Habang naglalakad kami sa lobby nila. Ramdam na agad namin ang coldness ng environment. Halatang di kami welcome sa department na to, sabagay balwarte din ito ng HONEST Party. Andami ngang banners ng HONEST na nakapaskil sa mga bulletin boards eh. Pero wala namang mawawala kung susubukan namin, allowed naman kaming mag conduct ng campaign. Good thing, naging malugod ang pag tanggap ng mga professors dito samin.
Naging maganda naman ang aming kampanya, isa sa mga segment ng aming kampanya ang Q and A portion. Kung saan binibigyan namin ng kalayaan ang studyante na mag tanong samin sa mga gusto nilang malaman sa samin. Bagay na nasa layunin namin, ang bigyan ng boses ang mag aaral. Usually ang naririnig naming tanong ay:
"Anong binipisyo ang aming aasahan sa inyong administration?"
"Kaya ba ng inyong Administration na mapawalang bisa ang pag tataas ng Tuition Fee?"
Pero napukaw ang aking isipan sa isang tanong.
"Mr. Patrick, ano po ang pag kakaiba nyo ni Mr. Javier, sa anong aspeto po kaya lamang?" Tanong ng isang babaeng studyante.
Sandaling nawala ang isipan ko sa katanungan nya. Wala akong mahanap na sagot, sa totoo lang di ko alam ang sasabihin ko.
"Next question please, we are not allowed to degrade our rivals." Tugon ko nalang dito.
Naging maayos naman ang aming kampanya. Ilang araw nalang at election. Stressed pero kaya pa..
Past 10pm na at nag isa isa na ding nag siuwian ang mga ka partido ko. Nauna na si Jes kasi may dinner daw ulit sila ng family nya. Habang nag aabang ako ng masasakyan, mag biglang pumarang kotse sa tapat ko. Binaba nya ang salamin ng sasakyan nya at laking gulat ko nang makita kung sino ito, si Javier.