Part 11

662 37 13
                                    

AN: Yey tapos na ang School Year. Grabe nakaya ko this sem. And guess what guys?? Naka pasok ako sa Dean's second honor list. Yehey!!! Clap clap to me. Hard work paid off. Kaya gagandahan ko tong chapter na to.

Let's do this..

Patrick's POV

Today is one of the big day we have.. Last day na for the room to room campaign. At bukas na ang Meeting de Avance. Nag decide ang grupo na halfday lang ang icconsume namin for the campaign para makapag pahinga kami ng maayos para bukas..

Naging maayos naman ang last day namin. Madaming mga students ang nag volunteer na mamigay ng mga flyers namin. Kahit saang parte ng university ay kilala na kami, madaming nag papa picture sakin at groupie shots. Magiliw ko naman silang pinahintulutan.

"Ok guys, I believe we did the best that we could for this campaign. I just wanna say that I'm so proud to each and everyone one here. Nakita ko yung dedication at support nyo sa Party natin. No matter what happen these days, I just wanna say that I'm blessed to have you all. Goodluck CHANGE Party!!!" Mensahe ko sa kanila. Nasa SFU Debate Society office kami ngayon. Gusto ko lang na personal na mag pasalamat sa tulong at suporta ng Teams ko..

"Aaww Pres talaga, pinapaiyak mo ako." Alexa, na naluluha pa..

"I know the feeling sis. Huhuhu group hug!!!!" Bianca, best supporting actress. Hahaha at nag group hug na kami..

Bro, I'm here na sa parking. Punta ka nlang dito.. BTW pakidala nlang ng journal ko nasa table ni Mrs. Luna.
Don't your dare open it!!!!

Text galing kai Jes, umalis kasi sya kanina pero sabi nya ihahatid nya ako sa bahay.

Matapos mag prepare ay kinuha ko na ang Journal ni Jes. Di ko naman gawain ang mangialam ng gamit ng iba.

Dumaan muna ako sa CR para nag ayos ng sarili.. Nilapag ko sa ledge ng urinal ung journal ni jes kasi iihi ako. Pero di ata maayos ang pag kaka patong ko kaya nahulog ito sa sahig. Badtrip lang kasi medyo basa ung sahig. Pinulot ko agad ito at chineck kung may nabasa. Pati sa loob tiningnan ko..

Pero nagulat ako kasi unang buklat ko palang ay picture namin ang nakalagay dito. May caption na...

"My sunshine"

Alam kong mali itong gagawin ko pero naccurious kasi talaga ako. Nilipat ko sa kabilang page at mas lalo akong nagulat sa nabasa ko.

Bes,

Aaww sakit tol. Hahaha yung feeling na mahal mo yung tao pero Bes lang kayo. Iyak na me.
Sana magkaroon ako ng lakas na sabihin sayo Pat yung nararamdaman ko. Di naman ako nang hihingi ng kapalit or pilitin kang mahalin din ako. Gusto ko lang maramdaman mo na mahal na mahal kita kahit bestfriend lang tayo. I'm so gay here. Pweee
Basta mahal kita, noon pa...

Krriiinggggg krriiinnggggg

Natigil ako sa pag babasa ng may tumawag sakin.

"Hello bro asan kna ba, nakita ko na sila Bianca na pauwi na." Sabi ni Jes sa kabilang linya.

"Eto na papunta na." Sagot ko habang nag lalakad.

Nang makarating ako sa parking lot.

"What took you so long bro??" Tanong ni Jes

"Dumaan pa ako CR. By the way." Sabi ko sabay abot ng journal nya.. Agad naman niyang hinablot at chineck pa kung may nagalaw. Ng masigurong wala at pinaandar nya na yung sasakyan nya. Naging tahimik lang ako sa byahe namin, tipid lang ang sagot ko sa mga tanong nya. Bothered padin kasi ako sa natuklasan ko.

VOTE WISELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon