Part 6

740 29 0
                                    

AN: Andami ko deadlines sa school. Sorry for not updating. Patience lang mga bes, medyo busy bee ako.. Anyways tara na..

Patrick's POV

Weeks had passed at finally, official nang ipapakilala ang nga tatakbo this year's SSC Election. May mga bulung bulungan kung sino sino ang mga tatakbo, naging matunog na din ang aking pangalan, madami padin kumukumbinse sakin na tumakbo, di nila alam na ako ay official nang kandidato sa Election. Tinipon ko na din ang aking mga ka partido. Malaki ang tiwala ko sa mga kakayahan nila. Gaya ko, karamihan sa kanila ay scholars at active sa ibat ibang larangan.

Syempre full support din ang mga kaibigan kong sila Jez, Bianca at Alexa. Sa katunayan ay malaki ang gagawin nilang papel pag nag start na ng campaign. Sila mismo ang nag plano ng mga pakulo namin pag nag room to room campaign na kami at isa lang ang masasabi ko, Pasabog!!!

At the Gymnasium.

"Good Morning SFU!!!!" Bati ng Emcee ng program.

"Ngayong araw na ito ay opisyal na nating ipapakilala ang mga tatakbo sa darating na SSC Election, but before that may I request everyone one to please stand for the invocation to be followed by singing the National anthem. " emcee

Habang nag bibigay ng mga mensahe ang mataas na opisyal ng University at ang mga current SSC officers kami naman sa backstage ay sobra nang kinakabahan. Parang iikot na yung pwet ko sa nerbyos. Sana magawa namin ang mga pinaghandaan namin para sa araw na ito.

"Ok I guess all are set, without further ado let me call on the first Party to present their team. Ladies and Gentlemen please welcome, the YOUTH Party!!!!" Pakilala ng Emcee

"What's up St. Francis University!!!! Let's hear it up for the YOUTH Party!!!" Bungad ng kanilang Campaign Leader.
"YOUTH stands for Your Own University Towards Honesty."
Isa isa nila pinakilala ang kanilang mga kandidato at inilahad ang kanilang mga plata porma. Si Richard Asuncion ng Maritime Department ang kanilang President. Kilala ko na sya, nakakalaban at nakakasama ko na sa ibat ibang programs dto sa school. Madami na din naging achievements ang nagawa nya, more on discipline stundetry ang advocacy nya. Isa sa pinaka malaking population dito sa university ang Maritime, at sila din ang nag llead sa ROTC. For sure landslide ang votes nya sa mga departments na yun..

"That was great YOUTH, let's give them another round of applause.. And now let's proceed to the next Party. This party inspires alot of people, no matter what raise you were, what color, religion you are, you have to be yourself. Kaya naman tawagin na natin ang FRIEND Party!!!" Emcee

FRIENDS Party stands for, Friendly and Resposible Individual, Excellent, Nurturing, and Decipline Studentry.
Surprisingly and President nila ay ang Former Ms. SFU na si Amanda Brigitte Velasco. She's so insipring to the whole university, active siya sa mga outreach programs. Naging UNESCO volunteer nadin sya. Bukod sa pisikal na kagandahan, mas nagingibabaw ang kanyang busilak na kalooban. For sure madaming students ang makukuha nyang pumanig sa kanya.

Napagtanto kong di nga ganun kadali ang tumakbo sa SSC.

"That was so inspiring FRIENDS. Salamat sa motivation na binibigay nyo samin. Ok, next group is I guess inaabangan talaga ng mga student more specifically ng mga babae at ng mga binabae. Let's give it up for the HONEST Party!!!! Emcee

At halos magiba ang buong gym sa hiyawan, tilian, at sigawan ng mga studyante. Parang isang production Ang ginawa ng Partidong ito. May pa concert ata si mayor.

HONEST - Hear our Neutral and Educated Students Today. At syempre ang kanila President na si Javier Perez Veneracion. Halos di mag kamayaw ang mga studyante sa kakatili. Di ko na nga masyadong nadinig sa backstage ang sinasabi nila eh.

VOTE WISELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon