Part 7

765 29 0
                                    

AN: Dahil walang pasok ngayon, try ko tapusin tong isang part na to. Kapit lang mga bes, vote and comment kayo pls. Sorry sa mga typo error. Love love

Continue..

Patrick's POV.

Ala sais palang ng umaga ay makarinig na ako ng malakas na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Me.an anu ba, ang aga aga pa!!!" Galit na sigaw.

"Me.an mo mukha mo!!! Bubuksan mo ba to o sisirain ko to!!" Galit nya ding sagot.

Huh?? Jes??
Anung ginagawa nya dito??
Binuksan ko ang pinto at agad nag talukbong ng kumot para matulog ulit, alam ko mang gugulo na naman sya. Close din si Jes kila mama kaya naman labas pasok na sya dto sa bahay, minsan dito natutulog yan nag nangongopya ng assignments.

"Oi oi, bumangon kna dyan. Sabi nila Alexa at Bianca maaga daw dapat tayo ngayon kasi unahan sa pag reserve ng rooms. Madami pa tayo gagawin." Jez

Mahinang hilik lang ang sagot ko sa kanya..

"Patrick anu ba, pag di ka bumangon dyan lagot ka sakin" Jes

Wala padin akong sagot.

Bigla nyang hinatak ang kumot ko at pumaibabaw sakin. Nilamutak nya ako ng pabirong halik sa leeg at sabay kiliti sa katawan.

"Oh shit, tang ina ka hahaha, tama na hahahaha, ui tama na plss.." naiiyak na ako sa kakatawa. Malakas talaga ang kiliti ko sa tagiliran, unting sagi lang ang nakikiliti agad ako.
Tumigil sya sa pangingiliti pero nasa ibabaw ko padin sya. Seryoso syang nakitingin sakin. Infairness gwapo din tong mokong na to. Medyo badboy look lang sa trimmed nyang  beard.

"Gusto mo pa kasi nirrape ka" Jes

"Ulol, tabi maliligo na ako." ako sabay tulak ko sa kanya.

Bigla nya ako hinalikan sya pisngi sabay karipas palabas ng kwarto. Hinablot ko agad ang unan at binato sa kanya kaso saktong nagsara yung pinto.

Baliw talaga yun, sanay na din naman ako sa kalokohan netong bestfriend ko. Kahit naman maloko sya masasabi kong mabait sya kaibigan. Ilang beses na din na subok ang aming pagkakaibigan pero alam namin kung pano unawin ang isa't isa..

Nag handa na din ako ng sarili. Pag kababa ko ang nakita ko sya nag aagahan sa mesa.

"Yung totoo sinusundo mo ba ako o balak mo lang talagang mag agahan dto??" sabi ko sabay kuha ng pagkain

"Pwede both?" Deadma nyang sabi sabay kain ulit.

Anak mayaman tong si Jes, kaso aanhin mo naman ang yaman kung kulang ka naman sa pag mamahal at atensyon ng pamilya. Masyadong busy ang mga magulang nya kaya lagi syang nag hahanap ng kalinga ng iba. Di naman sya bulakbol na tao, paborito nyang tumambay sa bahay kahit wala ako. Atleast daw dito nararamdaman nyang may pamilya sya. Bukod dun masarap daw ang lutong bahay, lagi nlang kasing sa fastfood at restaurant sya kumakain. Minsan nga pinakain ko sya ng tuyo ang itlog na maalat na may kamatis. Grabe halos naubos nya ung isang kalderong kanin. 

Matapos namin kumain at pumunta na kami sa school, may kotse sya kaya naman may driver ako. Sa likod talaga ako umupo para mag mukha syang driver ko. Hahaha galit nga eh, kaso sabi ko di ako sasakay kung di ako sa likod uupo kaya wala sya nagawa. Ang totoo inaasar ko lang sya.

Nang makapag park na kami ng sasakyan, nag lakad na kami papuntang SFU Debate Society office, dun kasi ang meeting place ng Partido namin. Habang nag lalakad kami sa hallways may mga grupo ng kababaihan na gustong mag pa picture sakin.

"Kuya pwede po ba kaming mag pa picture??" Tanong ni girl na halatang kinikilig pa.

"Sure." Sagot ko.

VOTE WISELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon