Part 14

666 25 25
                                    

AN: Due to public demands, mag uupdate ako ng maaga. Hehehe buti nalang malakas kayo sakin.

Leggo!!!




Javier's POV





"What was that Javier?" Galit na tanong ni Isabel sakin habang sumusunod sakin palabas ng gym.




"What??" Galit kong tanong sa kanya.



"Did you actually defend the side of your opponent? How silly that is." Bwelta nya sakin.



"It's my personal decision ok? Now if you're against me then fine I need to go and took some fresh air." Sabi ko sabay pasok sa sasakyan at pinaandar ito.


"What?? Are you gonna leave me now?? Javier!!! Javier!!! Aarrghhh!!!" Sabi nya habang pinapaandar ko ang sasakyan ko. Kita ko sa side mirror ang pag dadabog nya na para babg napahiya pa sya sa pag iiwan ko sa kanya.



I care for her pero mas kailangang bigyan ko ng oras ngayon ang sarili ko.




And I've realized I have nothing to go to. I just need someone to be with. Pero di ko alam san sya hahanapin ngayon.



Jes POV


Hanggang ngayo'y di parin ako maka paniwalang hinalikan ako ng taong mahal ko.
Oo mahal ko si Patrick, mahal ko ang bestfriend ko.



Pero bakit nya ako hinalikan?? Ibig sabihin ba nito'y may pag tingin din sya sakin? Mahal ba din nya ako?




Gabi na nang makarating kami sa bahay nila. Bumaba kami ng sasakan, inabot nya sakin ang jacket ko at ngumiti.


"Bro, yung kanina..." ako


"Ssshhhh hayaan nalang natin ang tadhana ang mag pasya." Sabi nya.


Napatango lang ako sa sinabi nya.


"Salamat Jes. Ingat ka pauwi." Sabi nya sabay pasok sa loob ng gate nila.


Ngumiti ako saka gumayak na din pauwi. Kahit papano'y masaya ako na tinanggap ni Patrick ang pagmamahal ko. Di ko namang hinihinling na mahalin nya din ako pabalik, sapat na saking makita syang masaya sa paraang alam ko.




Patrick's POV


Di ko alam bakit nagawa kong halikan si Jes kanina. Nadala ako sa tinding kalungkutan at pangungulila. Di ko alam kung may pag tingin din ba ako sa kanya. Mahal ko sya pero hindi gaya ng pag mamahal ko kay Javier, mahalaga siya sakin at di sya mahirap mahalin.


Pumasok ako ng bahay...


"Patpat."


Bungad ng taong ayaw kong makita.. Si Javier..


Anong pumasok sa isip nya at pumunta sya dito matapos mangyare ang lahat kanina.



"Oh anak andyan kna pala. May bisita tayo, si Javier yung kababata mo dati. Grabe ka gwapong bata nya na ngayon ano?" Mama.


"Di naman po tita." Javee




"Oh sya maiwan ko na kayo dito. Ako'y mag papahinga na din. Anak pakisara mo nalang ang gate at pinto meya ah. Goodnight." Sabi ni Mama at umakyat na sa taas.



"Pat." Panimula ni Javee



"Anong ginagawa mo dito." Malamig kong tanong.



VOTE WISELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon