Note: The picture above depicts Jaime or Jai for short. Also, this story will have parts written in Spanish. But don't worry, the conversations in that language will have its translations in Filipino or English.
1: Yo comencé. (I began).
Nakatanaw na naman si Jai sa malayo. Tinatanong niya sa isip niya kung bakit kahit college na siya ay wala pa rin siyang boyfriend. Maraming tanong ang bigla-bigla na lang pumasok sa isipan niya.
"Siguro mukha na naman akong mataray. Pero hindi naman, sabi ni Sandina," bulong niya sa sarili niya.
"Baka naman kasi nasa hitsura ko ang hindi naghahanap? Baka nga," bulong niya pa ulit sa sarili na tila nag-aalangan na.
"O kaya naman hindi pa kasi ako handa. Baka nga rin 'yon ang sagot," at napabuntong-hininga na lang siya dahil alam niya sa sarili niyang iyon ang sagot.
Tumayo na lang siya at tinawagan si Javi na kaibigan niya.
"Hello, Javi. Nasaan ka ngayon?"
"Ito, kasama ko si Sandina ngayon."
"Huh? 'Di ba kaka-break niyo pa lang? Don't tell me na nagkabalikan na kayong dalawa?"
"Hindi na nga kami, pero hindi ba pwede na maging magkaibigan kami ulit?"
"Sorry naman. By the way, wala akong kasama ngayon. Nasaan kayong dalawa ngayon?"
"Pumunta ka na lang dito sa coffee shop malapit sa univ."
"OK. Hintayin n'yo 'ko."
"Sure."
Tumayo na si Jai mula sa pagkakaupo. Sumakit ang balakang niya dahil sa matagal siyang nakaupo sa damuhan sa parke na nasa labas ng school nila at ito na lang kasi ang alam niyang gawin kapag wala na siyang maisip pang iba. Naglakad na siya at naabutan niya pang nakaupo ang dalawa sa sulok ng coffee shop.
"Hey guys! I can't believe what I'm seeing right now. Ikaw talaga, Javi, hanggang sa breakup ba naman ay maloko ka pa rin," pagbibiro ni Jai.
"Don't get me started, Jai," tila pikon na si Javi.
"Ay Javier María Regalado! Nagbibiro lang naman ako. Hindi ka naman mabiro," pang-uuyam pa ulit niya.
Umayos na ng pagkakaupo si Jai. Hinarap niya na ang dalawa.
"Kayong dalawa, especially you Sandina. Paano ka nauto nitong si Javi?"
"Naku Jaime, mahabang istorya," sabi ni Sandina na sinara ang mga librong nasa mesa at isinilid niya ang mga ito sa bag niya.
"At saka, it's a good thing na sa lahat ng naging ex ko, si Sandina lang talaga ang matino," pagmamalaki ni Javi.
"Kung sa bagay, saksi naman ako sa lahat ng pangyayari sa buhay mo Javi. Ikaw pa ba na saksakan ng mambobola, natagalan ka ng katulad ni Sandina," pagbibiro pa ulit ni Jai.
BINABASA MO ANG
Tulips
General Fiction"Siguro mukha na naman akong mataray. Pero hindi naman, sabi ni Sandina," bulong niya sa sarili niya. "Baka naman kasi wala sa hitsura ko ang hindi naghahanap? Baka nga," bulong niya pa ulit sa sarili na tila nag-aalangan na. "O kaya naman hindi pa...