Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Oh gosh! Ngayon lang ulit ako nakapag-post ng update for this hell of a novella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Oh gosh! Ngayon lang ulit ako nakapag-post ng update for this hell of a novella. Anyway, the personalities above are Ivonne Coll from the series Jane the Virgin, a.k.a. Abuela or Señora Alba, and Juan Diego, a Spanish actor. In this story, they are the parents of Jai, in which they are both 60 years of age for this. Anyway, don't forget to read the whole chapter and be pleased by Jai and Javi's journey to love. ¡Gracias!

Of course, Juanes. Don't forget to listen to this acoustic version of "Para tu amor".

7: Yo lo vi. (I saw it.)

Sabado na noon at inihanda na ni Javier ang mga dadalhin niya para sa picnic nilang tatlo nina Sandi at Jai. Matapos 'yon ay bumalik na siya sa gym at nag-work out muna. Dalawang linggo na rin kasi nang huli siyang nag-work out at ngayon niya pa lang sisimulang bawasan ulit ang timbang niya nang kaunti lamang.

Matapos na mag-work out ay umuwi ulit siya at kumain lang ng kaunti. Pagkauwi ay agad siyang naligo sa maligamgam na tubig. Tanging hininga niya na lang at huni ng tubig ang naglalaban. Napapikit na lang siya at bigla na lang na nagbago ang pakiramdam niya. Tila may biglang may yumakap sa bewang niya. Pagkatingin niya na lang at si Jai pala. Kaya naman sinampal niya na lang ang sarili niya at nawala na lang bigla ito. Nananaginip na naman pala siya ng gising.

"Ito na naman ako. Iniisip ko na naman na nandito siya," bulong niya sa sarili niya.

Lumabas na siya sa banyo matapos niyang magbanlaw ng katawan niya. Pinunasan niya ang katawan niya at saka nagpahid ng patak ng paborito niyang perfume sa leeg niya. Kumikibot-kibot ang kalamnan ng dibdib at braso niya sa tuwing siya'y gumagalaw. Nagbihis na siya at nanood muna ng TV. Hinihintay niya ang tawag nina Sandi at Jai.

Binasa niya na lang ang text na biglang nag-flash sa screen ng cellphone niya.

From: Sandi

Ready na ba kayo ni Jai? Papunta na kasi ako riyan sa inyo. And, can you drive for us?

He replied immediately.

To: Sandi

Sige. I'll just come over to Jai and tell him that.

TulipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon