21: Gracias, gente. (Thank you, people.)

January na at ilang araw na rin silang nag-da-dry run para sa isang malaking musical event ng university nila – ang University Music Festival. Ito ang event na dinarayo ng maraming tao – estudyante man o hindi. Nagdaan na rin ang ilang buwan at sinubukan na rin nilang mag-perform sa harap ng maraming tao ng ilang beses na. Ilang na rin silang nag-e-ensayo sa entabladong kinalalagyan nila. At ngayon na ang gabi na pinakahihintay nila.

Sila ang tanging grupo na mag-pe-perform sa European Category ng nasabing music festival. Ang setlist ng kakantahin nila ay binago nila noon pang October nang maalala ni Jai ang Eurovision Song Contest at ang mga kanta galing sa Espanya at Portugal. Marami silang kanta na maaaring kantahin. At doon na nila sinimulang kapain ang mga kanta at dinagdagan pa ito nina Johannes at Marron ng pagtugtog ng iba pang instrumento.

Ang festival na ito ay halos 30 years na at ni isang beses ay hindi pa nananalo ang European Category. Madalas ay Asian at African Category ang nananalo. Wala sa plano nila ang manalo. Ang nasa isip lang ni Jai ay matapos na ito dahil dalawang araw na lang at thesis defense niya na.

"Jai, Byron, hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng tao sa labas," kitang-kita ang magkahalong kaba at tuwa sa mga mata ni Sander.

"Sa totoo lang, Sander, ang daming nagbago sa halos limang buwan lang. Hindi ko inakala na aabot tayo sa ganito," ani Jai na kahit papaano ay nananabik nang lumabas sa stage.

Sila ang huling act sa gabing ito.

Matatapos na ang ikatlong act na kumanta ng Cantonese. Ang naunang dalawa ay Filipino at American music ang ipinakita.

Nalaman din nila na sila ang much-awaited na grupo dahil ang mga performances nila ay ikinumpara sa tatlo at sila ang sinasabing magdadala ng music festival.

"Javi, thanks for bringing us along this. This will set us on many directions forever," pagpapasalamat ni Byron sa kaniya.

"Guys, I'm still feeling bad for ending this hype too early for us," lungkot na lungkot si Javi dahil pagkatapos ng gabing ito ay tapos na rin ang pagtugtog niya.

"Javi, it's alright. I know it's hard but you have given more than we have expected from you. Before you were a musician, you were a kid who wants to play guitar while your friend sings. That's why I think you have lived it together with Jai, and sharing this with us is quite outside of your comfort zone. We do understand, don't worry," saad ni Sander habang niyayakap niya si Javi.

Nag-akapan na silang lahat dahil natapos na ang performance ng ikatlong performer. Samantala, ang bawat pamilya nila ay nanonood rin at may sariling puwesto ang pamilya ng performer. Bawat pamilya ay iisa lang ang nais – makita ang galing ng kanilang mga anak sa musika.

Tiningnan ni Jai ang dami ng tao mula sa backstage. Imbis na matakot ay ginanahan si Jai dahil pinaghandaan nila ang araw na ito – mula sa setlist hanggang sa mga magiging guset singers.

Lumabas na sina Marron, Pedro, Johannes at Byron habang madilim pa ang stage. Hanggang sa nagpatugtog ng saxophone at trumpet sina Johannes at Marron. Sa kanila tumutok ang spotlight. Hanggang sa sumunod na si Luigi sa drums. Naghiyawan na rin ang mga tao at napatayo sa kinauupuan nila ang pamilya nina Jai at Javi, ganoon na rin ang pamilya ng iba pa. Lumabas na rin si Katerina na magpapatugtog ng malalaking tambol at mas lalong naghiyawan ang mga tao. Hanggang sa mas tumaas ang energy ng madla nang lumabas na sina Jai at Javi.

"¡Buenas noches a todos!" pagbati ni Jai na agad nang nagsimulang kumanta.

Nakakaramdam na ng galak si Jai at ang buong grupo. Patuloy pa rin si Jai sa pag-awit habang naglalakad sa centerfold ng stage. Umiindak na rin siya habang pabalik sa stage.

TulipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon