Note: This depicts Javier María Regalado, Javi for short

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: This depicts Javier María Regalado, Javi for short. Pero talaga, aaminin ko, ang hirap maghanap ng mga pictures ni Clint na nakadamit siya. I know this sounds hypocritical but I like him with his shirt on. And I know he's gotten a body of a Greek god, but he needs to wear something because he looks good when wearing something -- I imagine, somehow. And for this chapter, I used Pablo Alborán's song "La escalera", which means "stair" in English and "hagdan" in Tagalog. 

2: Yo sabía. (I knew)

Kinabukasan.

Pumasok na sina Jai at Javi sa school at kapwa silang maraming dala.

"Marami ka ring dala?" tanong ni Jai sa kaniya.

"Oo. Puro papers. May company na kasing pumayag! Kaya naman makakapagsimula na kaming grupo," nakaramdam ng ginhawa si Javi.

"Wow! I'm so happy for you!"

"Salamat. By the way, mauuna na ako. Naghihintay na kasi ang mga kagrupo sa room. Bye!"

"Sure, ingat ka na lang," ngumiti na lang si Jai sa kaniyang habang papalayo ito.

Tinungo na rin ni Jai ang room niya at agad-agad niyang nilapitan si Sandina. Magkaklase kasi silang dalawa.

"Beh, kumusta ka naman ngayon?" tanong nito sa kaniya.

"I'm good. I actually planned this whole week para naman on-time ako. By the way, handa na ba ang mga papers mo for submission?"

"Yes! Sabay na tayong mag-submit kay Dr Quisumbing later."

Napabuntong-hininga na lang si Jai at napansin 'yon ni Sandina.

"O, parang hindi ka masaya?"

"Wala lang. Tapos na kasi ang OJT. I just can't believe na next sem is our last semester. Ma-mi-miss kita!"

Nagyakapan silang dalawa. Kumalas din agad sila at lumabas muna ng classroom upang mag-usap.

"Beh, sa tingin mo, tama ba itong ginagawa kong pakikipagkaibigan kay Javi? I feel like everyone's thinking I'm flirting my way to win him back," mababakas ang hiya sa mga mata niya.

"Sa totoo lang, magpapakatotoo ako sa sasabihin ko ngayon. At first I thought it was wrong. But realizing how he has changed since you two broke up, sa tingin ko naman ay OK lang. Hayaan mo lang ang mga chismosa sa paligid mo. The last time I checked, they are still jealous of you being friends with Javi again."

"Salamat, beh. I feel like at least somebody really knows what I think about the situation."

"Basta, I'm always here. At saka parang kayo na lang ni Javi ang kaibigan ko. So I must be understanding."

"Thanks bakla! Ikaw na talaga," at niyakap niya si Jai.

"Walang anuman."

Pumasok na sila sa room dahil oras na para ihanda nila ang mga requirements nila at saktong dumating na ang adviser nila for OJT. Inilabas na nila ang mga ito at inilapag ang clearbook nila kasunod ng iba pa nilang mga kaklase. Nagngitian na lang sila sa isa't isa at umupo ulit.

TulipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon