19: ¡Qué bonito! (Beautiful!)
Nobyembre na at halos matatapos na ang recording nila. Nakakatatlong kanta na kasi sila at napagsasabay naman nila ang school at pagpa-practice ng banda, at ganoon na rin ang pag-re-record ng mga kanta.
Nagbibigay pa rin ng tulips ang manliligaw ni Jai. Tinatanggap niya na lang ito at nagsusulat na rin siya ng sulat para sa manliligaw niya. Inilalagay niya lang ito sa itaas ng locker niya at doon ay sinusubukan niyang hulihin kung sino ngunit matalino rin talaga ito dahil iba-ibang tao ang naglalagay ng bulaklak at sulat para sa kaniya.
"Jai, ang tagal nang nanliligaw sa'yo ng manliligaw mo. In fairness, ayaw niya talagang magpahuli sa'yo."
"Hayaan mo na siya. Napapasaya niya pa rin naman ako e."
"Pero talaga, sana ay makita na natin kung sino siya."
"Oo nga, e. Sa totoo lang, nagbigay siya ng picture sa akin. Pero puro likod niya lang ang nakikita ko. Ang weird lang."
"At least may glimpse ka na ng hitsura niya."
"Pero talaga, I'm still torn with him and Javi."
"Oo nga pala. Nagpapakita pa rin ng motibo ang ulupong na 'yon."
"Well, ang sweet niya pa rin sa akin. He is really like everybody's man."
"I can see that. Pero nakaka-excite malaman kung sino siya. Malamang ay magugustuhan mo siya."
"Sana nga. Pero kahit ano pa ang hitsura niya, magugustuhan ko pa rin siya."
"Ang thoughtful mo talaga, beks. Why are you so kind?"
"I think that is the thing that he sees in me. He might have caught by my kindness. That is why I need to be kind."
"Yeah, you do, but to yourself. Okay, I can still remember what Javi has told me about your encounter with him last month. Beks, you need to be kind to yourself."
"Thanks. Now I do understand what he is saying."
"Yes, you need to love yourself."
"I do now."
"Buti naman."
"Sa totoo lang, masaya na ako kahit isang ilusyon lang si "Tulipsman". Ganoon din naman kay Javi, kahit na parang nilalandi niya lang ako."
"Lilipas din 'yan, beks."
"I hope so."
Ngayon ay napapaisip na si Jai dahil pamilyar sa kaniya ang likod na iyon. Pero mas pinili niya na lang na huwag munang isipin iyon dahil nais niyang magpahinga dahil inatasan siya ni Dr Quisumbing na tumulong sa mga kaklase niyang hindi pa rin tapos. Kaya naman pumapasok pa rin siya ng Tuesday at Thursday morning.
...
Nasa recording studio na sila ulit after two days of rest. Handang-handa na ulit si Jai sa isa na namang edition ng recording – singing in a duo. This time, and again, he is singing with Javi. Inaabangan na pala ito ng lahat. Kahit ang professor nila na nag-o-observe ay hindi maitago ang excitement dahil kapag nakakatapos ng isang recording session sina Javi, Jai, Byron at Sander ay pinapapanood nila ang mga ito sa nasabing professor.
Mapapansin na lang din ang magandang mood ng mga babae dahil gusto nilang makita na mag-duet ang dalawa. May iba na kinikilig dahil nga... parehong lalake ang magkaibigan. Napili nilang kantahin ang Perdóname nina Pablo Alborán at Carminho.
May mga nanonood na kaibigan nina Katerina at iba pa.
Bago iyon ay nag-usap muna silang lahat.
BINABASA MO ANG
Tulips
General Fiction"Siguro mukha na naman akong mataray. Pero hindi naman, sabi ni Sandina," bulong niya sa sarili niya. "Baka naman kasi wala sa hitsura ko ang hindi naghahanap? Baka nga," bulong niya pa ulit sa sarili na tila nag-aalangan na. "O kaya naman hindi pa...