Note: Finally, nakapag-post din ng bagong update. At saka, binabati tayo ni ni Javi! Say hi to him, OK? 

 At saka, binabati tayo ni ni Javi! Say hi to him, OK? 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

8: Yo te voy persiguiendo.

Tahimik noon ang room at pumunta na si Jai sa desk niya. Hindi lang rosas ang nakalagay roon - tulips din. Tatlong kulay dilaw na tila bagong pitas. Bigla na lang napangiti si Jai dahil paborito niya ang tulips. Pakiramdam niya ay maganda siya sa mga sandaling ito. Nilapitan siya ni Sander.

"Hey! Parang dadami pa ang manliligaw natin, a."

"It's getting creepier than I expected."

"Talaga?"

"Oo. Pero kung sinuman ang nagbigay nitong tulips na ito, thank you sa kaniya."

"Just smile, bro. You'll get by."

"Sure, Sander."

Tinitingnan niya lang ang mga tulips at itinago na lang ang mga rosas. Tulips kasi ang paborito niyang bulaklak. Ito kasi ang ibinigay sa kaniya ni Fidel noon nang makita siyang umiiyak ito sa ilalim ng puno noon sa Salamanca. Pero ngayon, nanatili pa rin ang pagkahumaling niya rito at palagi siyang bumibili nito sa tindahan ng mga bulaklak sa isang distrito sa Maynila. Dalawa ang binibili niya dahil ibinabato niya ang isa sa dagat para kay Fidel. Bukod doon ay wala nang nakakaalam na paborito niya ang bulaklak na ito. Pero ang nasa isip niya ngayon ay kung sino kaya ang nagbigay nito. Aksidente kaya ang pagkakabigay nito sa kaniya? Siguro.

May umupo na lang sa tabi niya. Si Sandi na pala, at nakita niya na lang bagong hairstyle nito. Gulat na gulat siya dahil shorthair na ang kaibigan niya. Napatingin siya kay Sander at titig na titig lang ito sa dalaga.

"Bakla! Gosh! Bagay na bagay sa'yo!"

"Talaga?"

"Oo. Gosh! Kinaganda mo ang hair mo ngayon."

"Thanks, bakla."

Nag-beso muna ang dalawa at nagkuwentuhan tungkol sa mga chismis na kumakalat sa eskwelahan nila. Kaya naman lumabas na muna silang dalawa sa room dahil masyadong sensitive ang issue.

"Beh, alam mo bang napapabalitang may nabuntis si Javi?" bulong ni Sandi.

"You don't get me started with that. Talaga?"

"Oo. Si Pauline kasi na taga-Marketing ang nagsasabi. 'Yong classmate nila si Cindy ay ka-fling daw ni Javi almost 5 or 6 months ago. Pero alam naman natin na hindi magagawa 'yon ni Javi, 'di ba?"

"I'm in the middle of that issue. Honestly, may mga gabing umaalis si Javi, pero sinasabi niyang sa groupmates niya siya pupunta. E hindi niya naman kagrupo si Cindy sa feasibility study nila at the time. Plus, 'yong fling na 'yon was after your breakup almost seven months again and ended it after a week. Sinasabi ni Javi sa akin lahat ng love affairs niya."

"Pero beh, ito ka. Kung wala na pala silang koneksyon from that month, tapos 4 months na raw na buntis si girl, meaning hindi na sila nagkikita no'n. Hindi kaya..."

TulipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon