17: Gracias, Javi.

Ilang oras na palang natutulog si Jai. Hanggang sa napadilat na lang siya at nakita niyang nakaharap sa bintana si Javi at nagpapatugtog ng gitara. Papikit na sana ulit siya nang mapalingon sa kaniya ang kaibigan.

"O, gising ka na pala."

"Yes, and thanks to you."

"Wala 'yon."

"Pero ano nga pala ang pinag-uusapan nina mamá at tía kanina?"

"Wala."

"Narinig ko na excited raw silang makita tayong ikasal, or so I thought it was like that."

"Huwag mo nang pansinin 'yon."

"Alam mo, sana ikaw na lang ang maging boyfriend ko."

Nagitla na lang ang nananahimik na puso ni Javi.

Dagdag pa ni Jai, "Kaso kasi... straight ka."

"Bakit hindi mo 'ko hayaang mahalin ka?"

At bigla-bigla na lang ay tumayo si Javi at tumabi siya kay Jai. Saka ito hinalikan. Hanggang sa...

Nananaginip na naman pala siya. Nagising na lang siya at nakita niyang nagpapatugtog ng gitara si Javi. Iniisip niya n asana ay mangyari ang nasa panaginip niya, ngunit malabo yatang mangyari 'yon. Napalingon na lang sa kaniya ang kaibigan at itinigil ang pagpapatugtog ng gitara.

"Oy! Gising ka na pala."

"Oo nga e. Salamat nga pala sa'yo."

"Wala 'yon."

"At saka, parang narinig ko sina mamá at tía na sinasabing ikakasal daw tayo? Tama ba?"

"Oo. Alam mo naman ang dalawang 'yon, lagi tayong pinagsasama kung saan-saan, kahit hanggang kasalan."

"Yes, it is."

"Pero to be honest, you're every girl's dream, Javi. Kahit na manloloko ka."

"I don't think about myself as such. I'm not perfect."

"But you're patient and kind."

"Thanks. But let me tell you something."

"What is it?"

"Gusto ko sanang ituloy ang music career natin. Pero sa nakita ko kanina, parang ayaw ko na. Mas mabuti pang makontento na tayo sa ganito lang."

"Javi, hindi naman kita pipigilan e."

"Pero ayaw kong habang nag-e-enjoy ako ay nakikita naman kitang pagod at maysakit."

"Ang thoughtful mo pa rin."

"Basta, last performance na natin ang Univ Music Festival, ok?"

"Yes."

Tumayo na lang si Javi at binasa ulit ang bimpo at piniga, saka pinunas ang mukha at leeg ni Jai.

"Everybody doesn't know how much of a gentleman you are."

"Thanks."

"Lalo na sa bading na tulad ko, I'm glad to have a friend like you."

"Yes, you should be glad."

"I know."

Bigla na lang tumabi sa kaniya si Javi at niyakap.

"Javi! Ano 'to?"

"Just wanna hug you para naman gumanda ang pakiramdam mo."

"Sira ulo. Mamaya mahuli na naman tayo rito."

TulipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon