Note: Hello guys! To those who will be reading the story more, thanks! By the way, somebody wants to greet you all.

And the song above is "Radio Elvis" by Juanes.

Hope you all are enjoying the story.

-Kuya Basil.

-Kuya Basil

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


9: Yo te conocí. (I met you)

Martes na naman at may tulips na naman ang nakalapag sa desk ni Javi. At siyempre, hindi na rin nawala ang rosas. May kasama itong sulat at binasa niya ito.

Dear Sweet Cheeks,

I know that you have feeling so blue. But don't worry, I'll make you happy and if you are available this afternoon, can you meet with me at the La Plaza Independiente?

P.S. I'm really looking forward to meet you this afternoon.

Your secret admirer,

Binondo

Napapaisip na rin siya kung bakit "Binondo" ang pen name ng sumusulat sa kaniya. Saktong dumating si Sandi at umupo na sa tabi niya.

"Beks, good morning!" nakipag-beso muna si Sandi at nagtanong na lang siya, "Letter ulit galing kay Mr Binondo?"

"Oo, beh. Naguguluhan na nga ako, e. Bakit ba Binondo? Taga-roon ba siya? Galing ba siya sa isang Filipino-Chinese family? O baka naman may something sa Binondo?"

"Beh, sandali lang," naningkit na naman ang mga mata ni Sandi.

"Ano 'yon?"

"Kasi... baka landmark sa Binondo ang tinutukoy niya."

"Ano namang landmarks? Escolta? Ang layo naman no'n. Kung 'yung Filipino-Chinese Friendship Arch naman, Arco ba ang pangalan o apelyido niya?"

"Baklita ka! May nakakalimutan ka pang sabihin. Hanap pa ng context clues about Binondo."

"Ongpin? Surname mo naman 'yon. Quintin Paredes?"

"Bakla ka! San Lorenzo..." at natigilan na lang si Sandi.

Nagkatitigan na lang silang dalawa.

"Shit. Si Lorenzo?" bulalas na lang ni Sandi na dahilan upang manahimik ang buong klase.

Pinandilatan na lang siya ni Jai. Napapikit na lang din bigla ito dahil malamang kakalat na ito sa buong psychology batch.

"Ah, hindi pala," pumaraan na lang si Sandi upang ilihis ang eksena.

"I thought he was, pero straight nga pala siya. No way," dugtong pa ni Jai upang ilihis ang atensyon ng mga kaklase ninyo.

"Anyway, ano nga pala ang sinabi niya sa sulat?" tanong pa ni Sandi.

TulipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon