"Siguro mukha na naman akong mataray. Pero hindi naman, sabi ni Sandina," bulong niya sa sarili niya.
"Baka naman kasi wala sa hitsura ko ang hindi naghahanap? Baka nga," bulong niya pa ulit sa sarili na tila nag-aalangan na.
"O kaya naman hindi pa...
Note: Hello guys! I finally posted the thirteenth chapter of Tulips. It don't come easy for me at some point. I hope you can enjoy this chapter. :)
-LENA.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Jai, trying to be happy)
13: Tú te escogiste. (You chose yourself.)
Isang magulong araw na naman ang sumalubong kay Jai – napakagulo. Sanhi pa rin 'yun ng tatlong lalaki na gumugulo sa isipan niya. No'ng panahong umiyak siya kay Javi, pinigilan niya ang sarili niyang aminin na hindi lang dalawa ang nagpapagulo sa kaniya. Sa tingin niya'y hindi pa ito ang tamang panahon upang tapusin ang lahat.
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at tinawagan si Javi.
"Hey! Bumangon ka na. Maghihintay lang ako rito sa labas."
"Wala na ako sa bahay. Maaga akong umalis. Sorry. I'm with my groupmates."
"Oh, sige. Anyway, galingan mo, huh?"
"Sure, thanks."
Pumasok na lang siya at nang makarating siya sa college building nila, nakita niya na lang si Lorenzo na may hawak na tulips at... itinapon ito sa basurahan. Nagitla na lang ang ito nakita ni Jai ang kaniyang ginawa. Lumapit ito sa kaniya.
"So... ikaw pala ang nagtatapon ng tulips?"
"Jai, hindi. Pinapatapon lang 'to sa akin."
"Alam mong hindi ginagawa 'yung ng mga maintenance, hindi ba?"
Napuspos ng panandaliang katahimikan nilang dalawa. Bumakas na ang luha sa mukha ni Jai.
"Jai, I didn't mean to do it. It's just that..."
"Ituloy mo. Ano?" waring galit na si Jai.
"I'm jealous. Pakiramdam ko hindi naman talaga ako ang gusto mo. Alam kong mas gusto mo ang nagbibigay ng tulips sa'yo. Pero ito pa rin ako, ipinipilit ko ang sarili ko sa'yo kahit mahal kita," kasabay ng pagluhang 'yun ay ang sakit na nararamdaman niya.
"Pero kahit na. Bakit mo 'to ginagawa?"
Sa mga sandaling 'yung, nasa mismong hallway rin si Javi. Mga pitong classroom ang layo at nakikita niya ang pag-aaway ng dalawa. May dala-dala kasi siya tulips at balak niya na sanang umamin. Ngunit sa nakikita niya ngayon, mukhang hindi ito ang tamang gawin.
Bigla-bigla ay may nagsalita sa likod niya. Si Sandi.
"Javi? May hawak kang tulips? At saka bakit hindi ka lumalapit sa kanila? Nag-aaway na sila."
"Sandi... ako kasi ang naglalagay ng tulips sa desk ni Jai."
"What the hell? Bakit hindi ka nagsasalita? Alam mo kung ano ang ibinigay mo sa kaniya? Sakit at kirot sa puso. Tapos ito na sila ngayon at nag-aaway. Hala! Puntahan natin sila ro'n."