11: Tú me estrujaste. (You broke me up.)
Gumising na naman noon ng ika-lima ng umaga si Javi. Tamang-tama at nagluluto na ng almusal ang mama niya. Gising na rin ang papa niya dahil aalis ito papuntang Japan para sa isang business meeting sa isang kompaniya ng kotse roon.
Kumain na sila nang sabay-sabay at nagpapalitan na rin ng mga kuwento.
"Anak, nakakatuwa ang performance mo sa school ngayon. Magaling ka talaga," papuri sa kaniya ng mama niya.
"Sa totoo lang, anak, kung wala kayo ni Kuya Pablo mo sa amin ngayon, hindi ko mararamdaman ang ganitong pagmamalaki sa mga anak ko," ani papa niya na natutuwa na rin sa kaniya.
"Salamat po sa inyo. I know that I'm not still doing well, but I will try my best to make you feel proud being my parents."
"Salamat, anak," at hinalikan na lang siya sa noo ni Ginang Regalado na ina niya.
Nang matapos na sila ay agad na naligo si Javi at nagbihis na upang pumasok. Ngunit bago siya pumasok ay may dinadaanan siyang isang lugar ay palaging may binibili.
Dumiretso na siya sa school at nagmadaling pumunta sa isang classroom at doon ay may iniwan siyang isang bagay.
Mabilis siyang umalis sa lugar na iyon at pumunta sa building ng college nila. Doon ay binabasa niya na ang mga nai-send na emails ng mga kagrupo niya at doon ay ni-re-review niya na rin ang mga ito.
Si Jai naman ay bumangon na rin at naghanda upang pumasok sa eskwelahan. Palagi na rin siyang pinaaalalahanan ng mama niya.
"Sea feliz, mi hijo. No olvidas sonreir con tus parceros y amigos. También no tengas miedo qué se trae el día, ¿vale?" (Be happy, my son. Don't forget to smile with your friends. And also, don't be afraid on what the day will bring, OK?)
"Sí, mamá. Te quiero." (Yes, mom. I love you).
"Igual, mi hijo. Ahora sal o serás tarde en tu clase." (Same. Leave now or you'll be late to your class.)
"¡Hasta luego mamá!" (See you later, mom!)
Pumasok na siya at sumakay na siya sa tren. Parang kagabi lang ay gulong-gulo siya sa pag-iisip kung sino nga ba ang nagbibigay ng tulips sa kaniya. Kahit na hindi niya pa ito nakikita ay may lugar na ang mapalad na manliligaw na ito sa puso ni Jai.
Bumili siya ng bananacue at kinakain ito habang papasok sa university nila at sa college building nila. Nang maubos niya na ang ikatlo at huling bananacue ay itinapon niya ang stick sa trash bin at sa gulat niya'y... may tulips na naroon. Nalungkot na lang siya, ngunit bigla niya na lang ding naisip na baka asar na asar na ang mga maintenance dahil palaging may bulaklak sa desk niya.
Umupo muna siya at may mga pumasok na rin. Saktong umupo sa tabi niya noon si Sander at hinihintay si Sandi.
"O, parang Biyernes Santo ang mukha mo ngayon?"
"May nagtapon kasi ng tulips sa trash bin."
"Naku! Baka kasi naasar na ang mga maintenance dito sa building natin."
"Pero sana hinayaan na lang nila ang tulips dito."
"Wait, tulip is your favorite flower, don't you?"
Tumango na lang si Jai bilang tugon.
"Hayaan mo, baka may dumating ulit na tulips sa'yo."
"Sana nga."
"Gusto mo punta tayo sa flower district mamaya? Bibilihan kita ng tulips para hindi ka na nakasimangot d'yan."
"No, I'm fine."
BINABASA MO ANG
Tulips
General Fiction"Siguro mukha na naman akong mataray. Pero hindi naman, sabi ni Sandina," bulong niya sa sarili niya. "Baka naman kasi wala sa hitsura ko ang hindi naghahanap? Baka nga," bulong niya pa ulit sa sarili na tila nag-aalangan na. "O kaya naman hindi pa...