Note: There are some NSFW parts for your imagination. So to help you imagine it easily, I have some pictures here to quench your thirst. (Paumanhin na sa lahat, pero talaga maharot po ang butihing may-akda ninyong lahat.)
Enjoy!
10: Yo te lo escondí. (I hid it to you.)
Sabado na at huling araw ng buwan. Palaging umaalis sina Jai at Javi upang pumunta sa labas ng Maynila. Sa Tagaytay sila madalas pumupunta. Pero ngayon, naisipan nilang pumunta sa Subic... kasama si Lorenzo.
"Guys! I'm so excited! Anyway, Jai, you'll drive now, OK?"
"Sige lang."
Umalis na sila at bigla-bigla, may pumara sa kanila. Sina Sander at Sandi.
"O! Akala ko hindi na kayo sasama?" tanong ni pa Jai sa kanila.
"Wala e. Kasi pare-pareho naman tayong walang pasok sa Lunes. So sasama na kaming dalawa. Sayang din 'to," ani Sandi.
Si Sander naman ay naglalagay ng mga gamit nilang dalawa sa compartment. Umalis na sila. Nasa back seat si Javi at nakikipagkuwentuhan lang sa dalawa.
"In fairness, Javi, don't you have any works to do?" tanong ni Sander.
"I ordered my group to stop for a while and unwind. We've been working for our STRAMA for almost two months now. Ngayon pa lang kami titigil pansamantala."
"Buti na nga lang din at tapos na rin ako sa thesis ko para sa Food Technology course namin. It was so exhausting," ani Lorenzo.
"Kami naman ni Jai, kakatapos lang namin sa final drafts namin. Ready for defense na kaming dalawa," si Sandi.
They stopped talking about school stuff and continued talking about going to the beach in Subic.
"I've been there before with my family," sabi ni Jai.
"Really?" tanong ni Sander.
"Actually, Javi was there too," dagdag pa nito.
"Tapos, naaalala ko pa no'n, hindi nag-su-swimming si Jai kasi malamig ang tubig, which was reasonable. But then, what I did was while he was sleeping, binuhat ko siya at nagising na lang siya," tatawa-tawa pa si Javi, "He was like 'Javier María Regalado, ibaba mo 'ko!' and I was like 'Nope! You're going swimming with me'. Gising na gising na siya no'ng nilublob ko na siya sa tubig. His parents were laughing because it was their idea."
BINABASA MO ANG
Tulips
General Fiction"Siguro mukha na naman akong mataray. Pero hindi naman, sabi ni Sandina," bulong niya sa sarili niya. "Baka naman kasi wala sa hitsura ko ang hindi naghahanap? Baka nga," bulong niya pa ulit sa sarili na tila nag-aalangan na. "O kaya naman hindi pa...