Dedicated to her kasi she misses me more daw.-
CHAPTER 1 - EMM AND ELL
ELL's POV
Naglalakad ako papuntang school. Wala na kasing naghahatid sa'kin. My ex left me. Why? Because i can't satisfy him. Hindi ko kaya ibigay ang mga pangangailangan niya bilang lalaki.
Ang bilis mo kasing nauto. Nga-nga ka tuloy ngayon.
"Ell!" Tinignan ko ang pinanggagalingan ng boses. Isang babaeng may natural na kulot na buhok na nakabagsak hanggang beywang. Naka suot ng shades na lalong nakadagdag para lalo maging eye-catching ang aura. Nakasimpleng long sleeve polo at white shorts na naka tucked-in. Tinernuhan ng isang pares na 3 inches heels.
Meet Eileen Maj Madeline Delgado. My Bestfried? Paki emphasize yung question mark.
Hinintay ko na lang siya rumampa papalapit sa akin dahil alam kong gustong-gusto niya ng pinagtitinginan siya. "How are you? I heard what happened between you and your manwhore ex. Sinasabi ko naman kasi sayo dati na di mapagkakatiwalaan yun e! Kilay palang niya alam ko ng di siya trust worthy." Napatungo na lang ako. My bestriend knows better. Dapat nakinig ako sa kanya. Sa dinami-dami niyang ex, lahat na ata nakarelasyon niya from plain nerd to hot jaw-dropped Greek God man.
"Ang bilis naman ng balita... My fault. Okay? Wag mo nga muna ako sermunan kasi hindi ko na yan kailangan ngayon. Ayoko na muna isipin ang mga nangyari. Kaya please lang, change topic." Nakakadown lalo na lahat ng taong nakapalibot sayo, kung hindi sesermunan ka, lalaitin ka at sasabihin na deserve kong maloko. Walang taong deserving maloko okay? Unless carma.
"Please what? Hayaan kang magemote dyan? Wow ha. Napaka down to Earth mo naman. If I have your social power ngayon din mismo. Pahihirapan ko yang dalawang yan. Nakakastress ka." Sabay taas ng Shades niya at binabanat ang balat niya sa muka na para bang in an instant, nagkaroon siya ng wrinkles at mawawala yon sa kakaganon niya.
"You know Im not that kind of person. Pati wala kong power na sinasabi ko. Atsaka Hindi ko kaya manakit at makita silang nahihi--"
"Kasi mas gusto mong ikaw ang nahihirapan? Eh tanga ka pala e." Hinila na niya ako at nagsimula na kaming maglakad. "Alam mo. You are just one of those girls na masyadong duwag. Ewan ko ba sa'yo. Look at yourself!" Sabay tingin sakin head to toe. "Tinalo mo pa yung librarian natin sa haba ng palda mo!" Tapos tinignan niya ako na para bang nandidiri.
Im taking up Bachelor of Science in Accountancy. Required sa college namin ang uniform kaya Im wearing PIU's uniform plus my college's tie. While Ell is taking up Business Administration. Pasalamat na lang ako at hindi kami magkaklase.