MPST Chapter 15

76.1K 565 38
                                    

CHAPTER 15 - MEETING

Edisvely Lanie Lorraine DelMundo's POINT OF VIEW

Pumara na ko ng Taxi, thank GOD at hindi gaanong hassle plus hindi din gaano ka-traffic. Since Jaked existence. Hindi ko na nahahawakan ang susi ng sasakyan ko. So i dont know where to find it. Baka nga nasa kanya pa yon. 

Nasaan na kaya si Jake?

Bakit mo hinahanap?

Oh God. Masama na bang hanapin ang kasama sa bahay ngayon.

Nang makababa ako ay nakita ko agad si Emm na kung titignan mo sa malayo ay mapagkakamalan mong baliw. Nakapalumbaba habang nakaupo sa isa sa mga bench at parang stalker kung makatingin. Kadiri lang. Sinundan ko naman ang tinitignan niya hoping to see his face but to my dismay..

Isang nakatalikod na lalaki na napapalibutan ng bata. That man loves kids. The way he talks to them -- even though hindi ko sila naririnig, kita ko sa mga pagtango ng mga bata habang nakatingin dito na nagkakaintindihan sila -- you will say that, this man that has been surrounded by children was very fond of kids.

Napilig ko ang ulo ko. Masyado na kong nadadala sa mga romantic novels na nababasa ko. 

Dumeretso na ko kung saan nakatunganga padin mapahanggang ngayon si Emm at umupo sa harapan niya.

Buti di napapansin nung lalaki na may isang Emm ang pinagpapantasyahan siya. 

I rolled my eye.

Muka namang napansin niya ang prensya ko pero mabilis lang niya akong tinignan at sumubo ng popcorn na nasa gilid niya.

May popcorn talaga? Anong tingin niya sa lalaking pinapanuod niya? A 3D movie? Napahawak na lang ako sa ulo. 

Minsan talaga hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi nagkaroon ako ng isang kaibigang Emm Delgado o maawa ako sa sarili ko dahil naging kaibigan ko siya. 

"You bitch. Go find another table. Don't you see this table is taken by a Goddess?" Sabi niya na nakatingin padin sa lalaki na hindi man lang humaharap!

Pero nagulat ako sa sinabi niya. Ano na naman bang kaartehan nitong babaeng to?

"Pardon?" Gulong tanong ko sa kanya. Pero dapat hindi ako maguluhan eh. Emm loves to act. Yung tipong damang-dama niya at parang may pinaghuhugutan. Kahit wala namang dahilan para gawin yon. Pero dahil siya nga si Emm, at dahil gusto niya. Makukuha niya. 

John Lloyd lang sa The Mistress. "..at dahil gusto ko, makukuha ko."

Enough Ell. Enough of John Lloyd and Bea's dramas. Isa sa mga masasamang bagay na nakukuha ko kakasama kay Emm. 'MGA' talaga kasi marami.

Kumuha ulit siya ng popcorn at uminom sa coke in can. So feeling niya talaga nasa movie house talaga siya?

"I dont share tables. I dont even talk to strangers, ewan ko ba kung bakit kita kinakausap. Anyway, get your ass off before my bestfriend arrives. Wait, why the hell is she taking too long" Kinuha niya ang iPhone niya sa pocket ng jeans niya at tinignan ang oras. Kaunti na lang talaga mapapaniwala na ko nito.

"Emm. Nakadrugs ka ba?" Dahan dahan naman siya tumingin sakin while her mouth was wide open. Batukan ko kaya to? OA na e. 

"You know me. How dare you to call me Emm. Stalker ka ba? Bakit babae ka? Nako ha! Di ako napatol sa tomboy." Sabi niya habang nakatayo na at pinapagpag ang upuan nito. Isa pa talaga.

Nagring naman ang iPhone niya. Tinitigan muna niya ako sa mata, at para namang siyang nakakita ng multo.

"You.." SHe mouthed at nakaturo pa sakin. Seryoso na siya niyan?

My Private Sex TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon