MPST Chapter 7

113K 621 30
                                    

May nasabi na ba akong Surname ni Jed? Painform na lang ako kung meron man. Thanks!

Lame. Sorry naaa. bawi ako next UD

-

Chapter 7 - Jed Emmanuel Alagon

"Some story was written to be untold."

ELL's POV

"Kumain ka na?"

"Uy..."

Hindi ko pinansin ang lalaking kanina pa nangungulit sa'kin. Kung anu-ano na lang ang mga pinagtatanong niya kanina pa simula nung nakita niya ako dito sa ilalim ng puno.

Sa puno kung saan ako nakatulog. Dahilan para makilala ko tong lalaki na to.

Kilala ko siya. Hindi naman yung kilalang-kilala. I know him by his name and face. Nung gabi na inakit niya ako sumakay sa kotse niya, di ko siya nakilala kasi madilim. Pati masyado na'ko distracted sa mga warewolf. Hindi ko alam na meroong ganoon dito pero di na ako magtataka kung totoo ngang may ganoon dito. It runs in their family. Si Emm nga may alagang Crocodile e. Magtataka pa ba ako kung may mga warewolves dito za school nila?

Jed Sandoval. Ang isa sa mga player ng PIU sa basketball. Nagiisang anak ng Mayor na si Alex Sandoval at dating modelo na si Maria Cristina Sandoval. Panganay sa tatlong magkakapatid. Taking up Bachelor of Science in Legal Management. Pano ko nalaman? Isa ako sa mga editor ng NewsPaper ng PIU. Last year nagpublished ang Newspaper tungkol sa mga sikat na varsity player ng PIU. Kasama siya sa limang pinakakilala sa buong University.

Mayabang. Yan ang una kong impression nung makita ko yung picture niya. Ang angas pa ng aura. Pero may something sa ngiti nya na mapapangiti ka din. Ganoon siya kadaling makadala ng tao.

"Tsk! Snobbers ka. Kakain lang naman eh. Bahala ka, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo'ko sinasamahan kumain." Napalingon ako sa sinabi niya. Umupo siya ng maayos sa tabi ko at inextend ang mga paa niya sabay patong nang mga kamay sa balikat. Hindi ba talaga ko nito titigilan?

"Leave me alone." I eyed him. The way that he will never try to come near me again. Marami siyang so-called-fans. Ayoko ng gulo.

Lahat ng babaeng nalilink kasi dito ay binubulabog ng mga die hard fan. Gagawing miserable ang buhay. 'Assuming, taas ng pangarap. Mai-issue na nga lang, sa isang Jed Emmanuel Sandoval pa.' Tssssss. Not now conscience. Prevention is better than cure.

'Matagal na namang miserable buhay mo dito. Nothing will change.' Stop it. Okay? Tsk!

"Oh. Oh. Dont look at me that way. I just wanna eat with you." Di ko napigilang magtaas ng kilay sa sinabi niya.

"Eat with me? Why?" Deretsong tanong ko sa kanya. Tumungo lang siya pero maya-maya ay tumingin sa likod ko. Tapos ngumiti. Baliw ata to eh.

"Kasi... Wala akong kasabay?" Sabi niya. Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Sa laki ng population ng mga 'fan girls' niya. Wala pa siyang mahanap na kasabay? Niloloko ba talaga ko nitong taong to?

"Why me? Naki-hatch lang naman ako sa'yo." Tanong ko ng pinipigilan ang inis.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa Park. Halfday ang mga istudyante kasi malapit na ang exam. Pero panigurado, hindi naman umuwi ang mga 'yon ng maaga para mag-aral. Magsha-shopping lang yon sila o kaya maggagala. Siguro maliban kay Hurpur Cruz. Ang number one sa Dean's List last semester sa College of Business Administration. Hindi ko siya kaklase. Kaklase siya ni Emm. Minsan kasi kinukwento sakin ni Emm kung gaano kahilig magaral yon. Lagi nga daw niya pinagsasabihan na magsaya man lang daw. Parehas na parehas daw kami.

Ang bad influence niya. Igagaya pa niya kami sa tulad niyang inaattendan ang lahat ng Party.

"Ano?" Naikwento ko na sa inyo si Hurpur na nasa 'Suit 106' wala pa din naisasagot sa tanong ko tong lalaking to.

"Eh kasi... " Halata mo na nahihirapan na siya magisip ng dahilan. Tsss Lame. Dahil nakaramdam nadin ako ng gutom. Tumayo na'ko at narinig ko naman na tumayo din siya.

'Kahit ngayon lang. Gusto ko malaman kung ano bang meroon sa kanya at sa mga ngiti niya.'

Tahimik lang kaming naglakad kaso nauuna ako sa kanya. May mga estudyanteng tumitingin sa kanya sa pagdaan niya. Haaay. Binilisan ko ng kaunti ang lakad. Ayoko lang talaga mapalapit sa kanya. May gusto lang naman kasi ako malaman.

-

"Ano iyo?" Nakangiting tanong niya. Ayan na naman yung aura niyang maangas. Tsss.

"Ako na bibili." Mamaya singilin pa niya ko sa ibabayad niya sa'kin. o kaya ipamuka niya pa sakin yan.

"Ako nagyaya kaya ako ang magbabayad. My treat. Okay?" Tinignan ko lang siya. "Pati para makatipid ka sa Allowance mo." Napalaki ang mata ko sa narinig.

Hindi ako kilala sa PIU bilang nagiisang apo ng DelMundo. Noong una kong araw, marami ang nagtanong kung kaano-ano ko ba daw si Eliezer DelMundo. Sinabi ko na wala. Na nagkataon lang na parehas kami ng epilyido. Agad naman silang naniwala. May narinig pa nga akong bumulong na..

"Duuuh. The way she look know? Shes a mess! Its easy to know na hindi siya ang famous-faceless-princess."

"Tara na." Sabay kami umupo sa pinakamalapit na table.

Matatapos na kami kumain pero wala miski isa sa aming dalawa ang nagsasalita. Ang awkward kasi. Ang daming nakatingin.

"Uhm.. Ell... Ano.." Tinginan ko siya. Namumula siya. Ang...cute?

"Ano?" Plain na sabi ko. Hindi ko naman kasi pwede ipakita sa kanya na masaya ako.

'MASAYA AKO?' Bakit?

"Pwede.. Ano.. Kasi.." Nakatungo na siya ngayon. Parang pigil na pigil. Parang natatae?

"Ayusin mo Sandoval. Ano ba yon?"

"Pwede ka bang...maging kaibigan?"

Hindi ba pwedeng magka-ibigan?

My Private Sex TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon