MPST Chapter 23

50K 381 30
                                    

Thank you for reading Abigail! :)) One of the first reader of MPST. Harts!

Chapter 23 – Between Him and Her

Edisvely lanie Lorraine DelMundo’s Point Of View 

 Nakatingin lang ako kay Jed habang naglalakad siya papalayo sa akin. Ngunit bigla nalang itong tumigil at muling humarap sa akin.

Isang napakatamis na ngiti ang ipinakita niya sa akin at itinaas ang kamay pagkuway kumuway ng kaunti.

Sa tuwing napasok sa utak ko na mahal ako ng lalaking ito ay hindi ko maiwasan na alalahanin kung meroon ba akong nagawang napakabuti para pagpalain ng ganito. 

Isang mahinang 'I Love you' ang lumabas sa bibig niya. Agad naman akong tumalikod dahil ramdam ko ang pagakyat ng dugo ko sa muka ko. Ayokong makita niya ako ng ganito, nang kinikilig. Dahil aasarin na naman niya ako at sasabihin sa ibang tao -- kahit hindi namin parehas na kakilala -- na mahal na mahal ko siya.

Minsan talaga, hindi ko maisip na bakit ako ang minahal nitong lalaking 'to. 

Jed is the BEST boyfriend you could ever wish for. Samart, talented, athletic, gentleman at minsan, mabait. He do change his mood, A LOT. Pero dahil doon ay mas lalo ko siyang minahal kasi totoong siya ang nakikita ko. I love him so much at willing akong ipagsigawan yon sa buong mundo na walang pagaalinangan.

Siya ang nagpabago ng tingin ko sa mga lalaki. Akala ko ay pare-pareho lamang ang mga lalaki. Pero hindi, napatunayan ko iyon ng makilala ko si Jed.

Hindi ko naman masasabi na perpekto ang relasyon namin. Pero wala naman kasing ganoon diba? 

*And I'm out of my legue once again~ ♫♫

Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot ang tawag. Tatlo lang naman kasi ang pwedeng tumawag sa akin, si Jed, si Ell at si Lolo.

"Bakit?" Agad kong tanong sa kabilang linya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakd kahit na masasamang tingin ang nakapukol sa akin sa paglalakad ko sa hallway. Sanay na din naman ako. Simula noong nalaman nila ang relasyon namin ni Jed ay na sa akin na ang atensyon ng mga estudyante ng PIU.

Hindi siguro nila matanggap na isang Ell DelMundo lang na hamak na iskolar lang ng paaralan ang magiging unang nobyang seseryosohin ng lalaki.

Jed become a star the moment he step into this University. Sa puti at gwapo nito na hinaluan pa ng magagandang mata na namana sa nanay niyang Sweds at sa perpektong tangos ng ilong nito ay bulag lamang ang hindi mapapatitig sa kanya. Maninipis na labi na kapag ngumingiti ay agad na may babaeng mahuhulog sa kanya.

(Miss na agad kita.) Sabi ng nasa kabilang linya kasunod nito ay may narinig akong mahinang tawa. Para namang instant na nagkaroon ako ng sakit sa puso sa pagtigil ng pagtibok nito ng ilang segundo.

(Stop blushing. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na puntahan ka agad at yakapin ka.) Hindi ko mapigilang ngumiti. Nasa nature na ata ng lalaki ang magpakilig ng babae.

"HIndi ako kinikilig. Ang kapal ng muka mo." Mahina kong sabi. Hindi ko magawang makapagsalita ng maayos dahil pakiramdam ko ay malakasan ko lamang kahit bahagya ang boses ko ay hindi ko na magagawang itago ang kilig na nararamdaman ko.

Muling tumawa ang nasa kabilang linya pagkuway muling nagsalita. (Try harder to make your voice more usual Ell. Yung hindi ko talaga mahahalata na pigil na pigil ka.) Tumigil ako sa paglalakad at iniharap ang cellphone ko sa muka ko at dinilaan ito. Alam ko naman na non-sense ang pagdila ko dahil hindi din naman niya ito makikita pero nakasanayan ko na itong gawin sa tuwing inaasar niya ko.

Muli kong ibinalik sa tainga ko ang cellphone. "Nasa room na ko. Kita na lang tayo mamaya."

(Wait.) Sabi niya at nawala ito. May narinig naman ako sa backround na tunog ng mga nagdodribble ng bola na agad din namang nawala. Narinig ko din ang suno-sunod na pagbati sa kanya ng 'brad' at pagsabi niya ng 'ge' sa kung sino mang kausap nito. Muling tumahimik kasunod ang pagusap niya sa akin sa kabilang linya. (Goodbye. Kita tayo sa parking. Tandaan mo yung lagi kong bilin sayo.)

"Opo. DO.NOT.TALK.TO.SOMEONE.YOU.DONT.KNOW.WHO." 

(I love you.)

"I love you too Jed." Mahina ko ulit na sabi dahil baka patayin na ako ng mga babaeng nakamasid sa akin.

-

"Doon na kasi kayo ni Emm umupo sa harapan." Umiling ako at tinignan siya sa mata. 

"Ayoko." Simpleng sagot ko sa kanya at ibinaling ang tingin ko sa ibang bagay. Ito na naman kami sa pamimilit niya.

"Bakit ba kasi ayaw mo? Doon ka na kasi sa harap para madali kitang makita" nakangusong sabi ni Jed at hinawakan ang kamay ko.

"Jed. Malapit din naman ng kaunti sa court ang pwesto namin ni Emm. Doon na lang kami.' Binitawan niya ang kamay ko at tinignan ang nasa kabilang bahagi ng McDo. Pero ibinalik din aagd niya ang tingin sa akin. Nakakunot ang noo niya akong pinagmasdan. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Maya-maya din ay kinuha niya ang kamay ko.

Napangiti ako ng lihim. Nagtatampo na 'to.

"Ang tigas ng ulo mo. Manang-mana ka talaga sa Lolo mo." Expression na niya yan sa tuwing di niya ako napipilit sa mga bagay na gusto niyang mangyari.

Hindi niya alam na kung sino ba talaga ako. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya. Sasabihin ko din naman agad sa kanya eh. Kaso hindi muna ngayon.

Ang alam lang niya, wala na kong magulang kaya sa lolo ako nakatira. Malayo ang bahay nila lolo kaya pinahiram muna sakin ni Emm yung unit niya.


My Private Sex TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon