MPST Chapter 3

149K 934 10
                                    

Kung may award po na reader of the year. Sa kanya ko po ibibigay yon.

-



Chapter 3 - Night


ELL's POV



"Masakit ba?" Tanong sakin ni Emm. Seryoso? Tinanong niya talaga ako ng ganyan?



"Ikaw kaya sampalin ko?"



"Okay lang. Di ka naman magaling sumampal e." Sabi niya na parang wala lang sa kanya. Kainis.



"Bakit mo ba kasi ginawa yon?" Tanong ko habang patuloy ako sa pagpatong ng yelo sa pisngi ko. Nandito kami ngayon sa unit ko. Hindi din siya pumasok. Sasamahan daw niya ako sa pag-cut. Mahal daw niya kasi ako. Sobrang pagmamahal naman ang ibinigay niya sakin. Damang-dama ng pisngi ko. Promise.



Tinigil niya ang paglalaro niya sa cellphone niya at tumingin sakin. Tinitigan niya ko ng seryoso. "Para intense." sabay kindat at balik ulit sa paglalaro. Sinampal ako ng kaibigan ko para intense. Ang saya naman.



"Sinampal mo ko para intense? Kung sabihin ko kaya kila Tito at Tita na may sure Singco ka na ngayong semester kasi inaway mo yung prof? Sabihin ko din para Intense." Pilit ko siyang inirapan at bumalik ulit sa kitchen para kumuha ulit ng yelo.



Napatigil naman siya sa paglalaro. Tinignan nya ko ng matalim. Nginitian ko lang sya. Wala pa naman akong nababalita na namatay dahil sa tingin. Maliban na lang kung may super powers siya. Emm the eye laser girl. K. Joke yon. Tawa kayo.



Huminga siya ng malalim. "Di ko naman kasi alam na masasaktan ka. Di ko pa nga gaanong nilakasan e." Tas tumawa sya. Yeah right. Hindi nga malakas. "Pati kaya kita sinampal para may dating yung mga sinabi ko don." Ahh. Props na lang pala ang pagsampal sakin ngayon.



Di ko na siya pinansin. Bahala siya dyan. Nararamdaman ko na yung pagkangime ng pisnge ko this time, dahil sa yelo. Baka magkaroon ako ng hyporthemia. Joke



"Sorry okay? i didn't mean naman talaga kasi that way." Here she goes again.



"Stop talking like that kasi nakakainis. Di na uubra yang pagpapa-cute mo sa akin." Emm has this childish attitude na magpapacute siya while talking using her bullsht lingo.



"Wow. Pag-broken hearted. Tumatapang." Tinignan ko lang siya at pinagtawanan lang niya ko.


-


"Anong plano mo sa semestral break?" Tanong ko kay Emm. Magaalas-nuebe na ng gabi. Dito daw siya matutulog kaya kailangan kong tiisin ang presensya niya hanggang bukas.



"Maghahanap ng boyfriend." Seryoso niyang sinabi yan habang nakatingin padin sa TV.



"Wala ng bago don Emm. Maliban kasi don?"



"Shopping." Simpleng sagot nya. Dinadamdam niya talaga kada scene nila Popoy at Basha.



"Pwede bang ako na lang ulit?" Pagsabay ni Emm kay Basha sa walang kasawaang One More Chance. Naiiyakiyak pa si Emm habang nanunuod kami kanina pa. Umpisa pa lang nung masiraan si Basha ng sasakyan, umiiyak na siya. Sabi ko nga sa kanya, ang OA niya. Sabi naman niya, magaling lang daw siya maglabas ng emotion unlike me. Edi siya na.



Sa sobrang pagka-adik niya sa movie na'to nila John Lloyd ay nagpagupit pa sya noon tulad ng buhok ni Basha. Tapos pinangarap din niyang maging Architect. At isinumpa sa sarili niya na kapag daw siya magaasawa, kailangan Engineer. Sabihin nyo sakin kung hindi pa sya OA nyan.



"Punta na l--"



"Please lang Ell. Lahat ng tanong mo, mamaya mo na itanong. Utang na loob. Parang-awa mo na." Sabi niya at bumalik ulit sa mundo niya. Grabe.



*doorbell

*doorbell

*doorbell



"May bisita ka bang darating Ell?" Tanong sakin ni Emm na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang mata sa panunuod.



"Wala ah." Wala naman talaga. "Baka nagkamali lang ng pinto na pinuntahan." Maliban kasi kay Emm, wala na kong kibigan na magsusurprise sa akin ng ganitong oras. Kasi ang totoo, wala na naman akong iba pang friends. HAHA.



*doorbell

*doorbell

*doorbell



Nilingon ako ni Emm at tinitigan ako ng masama. "Isa pang doorbell niyang tao na yan sa labas, Ill kill him." Sabi niya at nanuod ulit.



Wala akong choice kung hindi tignan kung sino yung tao sa labas. Pagbukas ko ng pinto.




"Miss me?"


My Private Sex TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon