MPST Chapter 2

170K 976 18
                                    

Dedicated to one of my prettiest reader. Nakaskype ko na sya one time. And she is so pretty and nice. Bakit di daw ako nagpaparamdam. LOL. Mejj busy kasi ako baby! HAHAHA! Imissedyou! Hearts and Kisses!

Trashy tong UD na to. Pinilit ko lang talaga mag-UD. Hahaha.

-



Chapter 2 - DelMundo


ELL's POV



Kanina pa ko paikot-ikot sa loob ng Mercury Drug pero wala akong makitang gamot sa sakit ng pisngi. Daig ko pa binunutan ng ngipin dahil namamanhid talaga yung pisngi ko na sinampal ni Emm. Hindi ko alam na ganito kasakit sumampal si Emm.


*Riiiiing


Kinuha ko ang CellPhone ko at pinindot ang green na button.



"Where're you?" Gusto ko sanang Sabihin na naghahanap ng Sakit a puso kaSo sa ngayon, mas masakit yung pisngi ko na dinapuan ng sampal niya kaya wag na lang. Hindi na lang ako sumagot at pinagpatuloy lang pagtingin sa mga nakadisplay na gamot ng Mercury. Kung pain killer na lang kaya ang bilhin ko? Hindi ko mararamdaman ang sakit. Kaso namamaga padin. Tsk! Bakit kasi nanampal pa e!



"I've been to your class scheduled earlier pero di ka daw nagpakita. Nasan ka ba, ha?" Hindi ko parin siya pinansin. Masakit ang sampal niya kaya nagtatampo ako.



"Ugh. Answer me Edisvely Lanie Lorraine or else sasabihin ko sa Lolo mo ang katangahan mo!" Napatigil naman ako. Napaisip ako kung sasabihin ko ba. Tsk. Ang galing niya talagang mangblack-mail!



"Mercury." Binaba ko na ang tawag. Kainis. Tsss.


Napailing na lang ako. Tatawagan niya si Lolo? Hindi talaga siya natatakot kay lolo. Somehow.






Si Eliezer DelMundo. Pangalan pa lang, sino ang hindi matatakot? Sa lawak ng impluwensya ng pangalan niya, walang naglalakas loob ang humarang sa dinaraanan niya. He owns almost everything, say it and he have it. Kung wala siya, im very sure he'll have it soon.



Siguro isa sa mga dahilan ng pagiging successful niya ay ang hindi pagtitiwala sa sarili niyang pamilya. 'No one can bring you down unless magbibigay ka ng sobrang tiwala kahit sa mga taong hindi karapat dapat sa tiwala mo. Trust is priceless.' Naniniwala siya na kailangan mong ilayo ang sarili mo sa mga taong walang pakinabang. Ang Daddy, Mommy at ako lang daw ang matatawag niya na pamilya. Aside sa aming tatlo, he sees everyone people who stays to be payed. Lahat tungkol sa pera.



Isa siyang matapang na tao. Kaya ka niyang pahirapan in anyway he wants. Noong namatay sila Mommy at Daddy. Isang mahigpit na yakap lang ang natanggap ko mula sa kanya. Pero sa yakap na yon, naramdaman ko ang lahat ng gusto niyang sabihin na hindi niya magawang masabi. Ramdam na ramdam ko ang galit at lungkot sa saglit na pagkakayakap niyang yon.



Nagsimula akong tumira kasama niya. Dumoble ang mga nagbabantay sakin. Miski sa pagtulog ko, may nagbabantay sa labas ng kwarto ko. Lolo also believes that hindi aksidente ang pagkasunog ng bahay namin noon. Hindi na niya ako kinakausap ng madalas maliban na lang kung tatanungin niya kung kamusta grades ko, pangilan ako sa standing sa buong klase at kapag pasko. Isang "Merry Chirstmas." lang ang maririnig ko sa kanya at babalik na ulit sya sa pagtatrabaho.



Nang mag-highschool ako. Doon nagsimula paggulo ng buhay ko. Madaming tao ang gusto makipagkaibigan sakin. Dahil iyon daw ang utos ng mga magulang nila. Dahil apo daw ako ng isang Eliezer DelMundo. Dahil mayaman kami.



Nakakapagod maghanap ng totoong kaibigan, yung hindi titignan yung yaman mo. Ang titignan yung kung sino ka ba talaga. Hindi ko tinapos ang First year sa school na yon at lumipat sa ibang school dito sa probinsya namin. Doon ko nakilala si Emm. Siya yung tipo ng tao na 'So what kung mayaman ka? Mayaman din ako.'



Being with Emm is  fun and riveting. Kung saan-saan kami napunta kapag nakakatakas kami sa bodyguards ko. Kay Emm ko naranasan kung ano ba talaga ang feeling ng pagiging normal na teenager. Napakalayo sa kinalakihan ko.



Nung mag-third year na kami sinabi sakin ni Emm na kailangan na nya magtransfer ng school kasi kailangan na niyang bumalik sa Manila. Nandoon na daw kasi  yung kuya niyang monster. Wala daw siyang magagawa kung hindi ang sumunod.


"Sumama ka na lang kaya sakin?"  Ayan yung sinabi niya sakin nung nakita niya na medyo naiiyak ako.


Paguwi ko sa bahay nung hapon na yon. Nagderetso agad ako sa kwarto ni Lolo. Kahit alam kong hindi niya ako papayagan, nagtry padin ako magpaalam. Isang iling lang ang tinanggap ko sa dami ng explanation na ginawa ko. Hindi ko na napigilang umiyak, Emm is the only friend I have. Ngayong na-experience ko na magkaroon ng tunay na kaibigan bakit kailangan pa namin maghiwalay? 



Iyon ata ang una kong pagiyak after mamatay ng mga magulang ko. Nakita ko ang pagsarado ng kamao ni Lolo. 


"I'll give you 10 years. You have a decade to do whatever you want after that kailangan mo ng akuin ang responsibilidad mo sa kumpanya." Napatigil ako sa iyak. Hindi ako makapaniwala na papayag si Lolo. Lumabas na siya ng silid pero hindi padin nagsisink in sakin ang lahat ng nagyari.



Sumama ako kay Emm sa Manila. Sa isang exclusive condominium ako pinatira ng Lolo ko. Doon nagsimula ang pamumuhay ko mag-isa. Well not exactly dahil lagi ko din namang kasama si Emm.



Madaming nangyari. Nagsimula na kami sa collge life namin ni Emm at doon ko nakilala si Jed. Lalong sumaya ang buhay ko kasi may isa ulit taong minahal ako hindi base sa status ng pinanggalingan kong pamilya. These two are the only people na pinagkakatiwalaan ko maliban kay Lolo.



And then things came up...



Hindi ko alam na ganito pala kasakit iwanan. Ganito pala kasakit masaktan. Ganito kasakit lokohin ka ng taong binigyan mo ng tiwala harap-harapan.

My Private Sex TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon