"Happy birthday, Sephia!"
"Wish ko sa'yo bes makamove forward ka na."
"Oo nga. Ano ba? 5 years na. Ang dami nang nagdaan."
"Guys naman. Sorry na. Sinusubukan ko naman diba?"
"Oo naman, bes! Kaya nga hanggang ngayon hopia ka pa rin e."
"Ano ba magpapatigil sa'yo?"
"Siguro kapag sinabi na niya sa aking hindi na niya ako mahal."
"Urur ka Sephia David!"
"Aray naman bes, birthday ko kaya."
"5 years? Tingin mo mahal ka pa rin niya? May girlfriend na siya bes, tama na. Gumising ka na sa katotohanan."
"Hindi ka na mahal nun. Hindi ka nga naaalala diba?"
"Hindi ka nga inaadd sa facebook, diba?"
"Ni hindi ka man nga lang mafollow sa Twitter, Instagram, Snapchat, lahat na ng app na meron ka."
"Hindi niya nga ako makamusta. Hindi niya nga magawan ng paraan na makuha yung number ko para matext ako. Sige pa guys, ano pa?" Hindi ko na napigilan at naluha na ako.
"Sorry na bes, kasi naman e! Kalimutan mo na si Mateo."
"Punasan mo na yang luha mo. Hindi siya darating para punasan yan."
"Alam ko naman yun guys. Kasi naman e. Masisisi niyo ba ako? Kung nito lang nakaraang buwan chinat niya ako? Gumawa pa siya ng account para lang machat ako."
"Oh, tapos? Asan na siya ngayon? Wala na diba? Chinat ka lang feeling mo mahal ka pa rin? Ilusyonadang 'to."
"Kasi yung hula mga bes, yung hula."
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...