"Ten, papunta na ako diyan."
"Sige, Pia. Andito na rin si Kasey, dalian mo."
Papunta ako kila Kirsten ngayon kasi graduation day ng kapatid niya. Makikikain kami ni Kasey. Haha. Joke lang, ako kasi ang mag-aayos ng buhok ni Aina at si Kasey naman ang magmemake-up sa kanya.
"Ang tagal niya oh!"
"Sorry na, Kasey. Ang traffic e."
"Lagi nalang traffic ang dahilan pag nalelate. Pwede bang iba naman?"
"Sorry na. Ang totoo niyan nakatapak ako ng ginto kanina habang kausap si Ten sa phone." Sabay sad face ko at sinimulan ng suklayin ang buhok ni Aina.
"Yuck! Seryoso? Kadiri, tinapak mo pa diyan sa doormat nila."
"Grabe ka. Yan naman ang gamit niyan diba? Kaya nga doormat."
"Mat ng door, hindi mat ng shoes."
"Ayy! Korne niya oh. Joke lang hindi ako nakatapak. Traffic talaga."
*tok tok*
"Ten, may nakatok."
"Guys, pakibukas nalang."
Ang busy kasi ngayon sa bahay nila Kirsten. Nasa taas siya at inaayusan yung mother niya, yung father naman niya inaasikaso na yung kakainan namin mamaya. Kaming tatlo lang dito sa baba nina Kasey at Aina.
"Ikaw na magbukas Aina, tutal bahay niyo naman 'to."
"Ate Kasey ikaw nalang po, kasi namamanhid na yung paa ko. Kanina pa po ako nakaupo. Nangalay na po."
"Oh, Pia, narinig mo? Ikaw na raw mag bukas."
"Wow, ah! Sabi niya, "Ate Kasey."
Hindi na ako nag-antay ng sagot ni Kasey at agad nang pumunta sa pinto. Familiar yung mukha nung babae, tita ata nila ito.
"Good morning po."
"Good morning, iha. Nasaan sila?"
"Nasa loob po. Busy po kasi, pasok nalang po kayo."
"Hindi na. Paki-abot mo nalang 'tong regalo ko kay Aina."
Inabot ko yung kamay ko tapos bigla nalang niya akong hinawakan. Nagulat naman ako.
"Gusto mo iha hulaan kita?"
"Naku, wag na po. Takot po ako sa ganyan." Seryoso, takot ako. Ayoko kasing malaman yung future ko. Ayokong malaman yung mangyayari kasi baka mag-isip ako nang mag-isip.
"Wala namang masama. Hula lang naman."
"Wala rin po akong pambayad."
"Ano ka ba, walang bayad. Libre lang."
"Nakakahiya po." Pero ang totoo, ayoko lang talaga. Scarrry!
Kumuha siya ng notebook at ballpen sa bag niya.
"Sige, susulat mo lang yung full name mo at date of birth."
Sephia Louise F. David
May 11, 1994
Pag abot ko sa kanya agad siyang may sinulat. Parang may ini-eks pa siya. Nagulat ako nung nagsalita na siya. Marami siyang sinabi, about family, life, work, na halos tumpak naman... pero naka-focus ako sa love life. LOL!
"Malapit ka sa mga taong ang first letter ng pangalan ay J, K, M, R, at D." Tumango lang ako.
Napaisip ako nun. Tama na naman siya. Baka naman kilala talaga niya ako. O kaya baka pinagtitripan ako ni Kirsten at kinontrata niya to'ng si ate. Pls., tapusin na po natin ito. Bigla siyang ngumiti.
"May babalik."
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...