Sephia's POV
Yey! Higa all day na naman. Summer vacation is heart heart! Movie marathon season. Umpisahan ko na sa Harry Potter. Whahah! *crack* Shocks! Nahigaan ko yung eyeglasses ko. Sira na naman. Pang ilang palit ko na 'to? Pare-parehas ng dahilan; nadaganan. Siguro need ko na ng bakal na eyeglasses. Sira pa ang plano kong umpisahan yung Harry Potter. Hays!
---
0905*******
Riz, samahan mo ako now.
---
"Saan?"
"Mall. Nasira yung salamin ko."
"Na naman? Anong oras?"
"Now na."
"Ayy! Agad agad? Baka pwedeng mag ayos muna ako."
"Sige, sige. Punta ka nalang dito ah!"
"Sige."
Si Maurizze, ang pinsan ko na best friend ko. Para ko na siyang sister. She knows everything about me. Sobrang thankful ako sa kanya at hindi niya naman ako binubuking kina mama. Hihih.
---
"Bakit nasira?"
"Nadaganan ko ulit. Manonood sana ako e."
"Yan, kasi higa ka nang higa. Tsaka bakit kasi sa higaan mo pinapatong? Ang laki-laki mong damulag e."
"Ayy! Sorry na nanay. Lakad nalang tayo ha? Wala akong barya e."
"Okay lang sakin. Sayo? Okay lang ba?"
"Actually, blurred, pero okay lang. Andyan ka naman. You'll be my guide."
"Sana guard nalang sinama mo."
"Luh siya, wala lang talaga akong makita nang maayos."
"Oo na. Dami pang sinasabi e."
---
"Maurizze! Si Mateo yun!"
"Alin? Saan?"
"Yun, dali tignan mo! Yung may kasamang bata!" Sinilip naman ni Maurizze yung sinabi ko, habang ako, sobrang tuwa yung nadarama.
"Di ko nakita e, nakatalikod na. Nakita mo ba? Paano mo nalamang siya yun? E wala ka namang salamin."
"Basta, alam ko siya yun." Hindi ko alam bakit ganun ako kasiguradong siya yun. Yung feeling na ang labo ng mata mo, wala kang makita, blur lahat, pero yung built ng katawan, yung lakad, yung height, alam mong siya yun. Basta, alam ko at naniniwala akong tama ako.
Hanggang sa pag dating namin ni Riz sa mall ay hindi ko pa rin matanggal sa isip ko na naramdaman ko siya. Hindi ko siya nakita pero naramdaman ko siya. Gosh! Parang patay lang ang peg.
"Okay ba 'to?"
"Okay naman. Kasi naman e, bakit ganyan pa binibili mo?"
"Mas mura kasi 'to."
"Mura nga ang dali namang masira."
"Nasira lang naman kasi nadaganan ko."
"Kahit na, meron nga d'yang nabebend e."
"Oo nga, pero wala pa akong budget. Tsaka kelangang kelangan ko 'to."
"Walang budget? E halos di naman nagkakalayo ang presyo. Bahala ka dyan, masisira rin kaagad yan."
"Hala siya oh! Grabe!"
"Joke lang. Sige na bayaran mo na yan."
---
Pag uwi namin ni Riz inumpisahan ko nang manood ng Harry Potter. Grabe, kahit ilang taon na ang lumipas pipiliin ko pa rin 'tong Harry Potter, hindi nakakasawa. Hihi!
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...