Malayo palang alam ko ng ikaw yung nakatayo sa may entrance ng Red Ribbon. Walang pinagbago, gwapo ka pa rin. (Ay! Harot!)"Ui!"
"Ui!"
Sheez! Ano na?
"San tayo?"
"Ikaw? San tayo?"
"Kahit san."
Saklap! Biglang umulan. Hindi ko alam kung plano ba Niya ito para umuwi na kami o para sumakay ng jeep.
"Naulan. Di tayo makakapaglakad."
"Tara, sa Quiapo Church nalang muna."
Sumakay kami ng jeep. Magkatabi kami. Nasa kaliwa ko siya, nasa kanan niya ako. Hindi ko na maalala kung nagKKB ba kami o nilibre niya ako. Chos!
Pagdating namin ng simbahan agad kaming pumunta sa may bandang unahan at umupo. Medyo matagal kami sa loob, mukhang ang dami niyang pinagdarasal. Nakaluhod at taimtim na nagdarasal si Mateo. Masaya ako na kasama ko muli siya, pero malungkot din ako dahil alam kong si Luiza ang nasa mga dalangin niya. Martir ba ako? Kung ang pinagdarasal ko ay sana maging maayos sila? Na sana hindi na siya masaktan pa?
Tumila ang ulan at nagpasya kaming bumalik sa may Red Ribbon.
"Malapit lang Manila Cathedral dito diba?"
"Oo, pero di ko alam kung saan. Naririnig ko lang."
Naglakad kami pa Cathedral. From Pedro Gil, umikot kami, inikot namin yun hanggang makarating kami ng Malate Church. Haha! Akala ko ayun yung Cathedral, like srsly?
"Hindi ka pa rin nagbabago. Okay pa rin sayo kahit maglakad lang, kahit malayo."
Oo naman Mateo! Okay lang dahil ikaw ang kasama ko. Kahit pumunta pa tayo ng Baguio ngayon e, okay lang! Pero joke lang.
Medyo marami na kaming napag-usapan. Tungkol sa mga hinaing niya, sa mga ginagawa niya sa buhay, sa work ko, at sa nakaraan naming dalawa.
Napagkwentuhan namin yung last na nagkita kami. Yung brokenhearted ako tapos sinundo niya ako sa school. Yung pinapaiyak niya ako pero wala na talaga e. Haha!
Nakarating kami sa Luneta. Oo, ang Luneta ay parke na hindi lamang para sa magkasintahan. Pinicturan niya yung fountain, and I was like, "First time mo dito?" Pero syempre di ko sinabi yun, pag nagpicture ba sa lugar first time agad? Lol. Binigyan niya rin ng barya yung batang nanghihingi, kinausap pa. Dapat nag teacher 'to e, hilig sa bata.
Naupo kami at nagkwento na ulit siya. Gusto kong umiyak siya pero wala, alam kong nasasaktan siya ng sobra sobra at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Paulit ulit nalang ako sa, "Magkakayos din kayo," "Bigay mo lang yung hinihingi niya," "Baka magulo lang isipan niya." Part of me was crying and hurting inside. Iniwan kita at ngayon umiiyak ka ng dahil sa iba. Alam kong mahal na mahal mo siya at hindi ako magsisinungaling pero naiinggit ako sa kanya. Parang One More Chance lang, "Sana ako nalang ulit." Pero hindi na, malabo na. Ramdam ko ang pagmamahal mo sa kanya. Ramdam ko na ayaw mo talaga siyang mawala.
Late na kaya naman nagpasya na tayong umuwi. Ayoko pa, ayoko na kasing matapos ang gabing ito na kasama ka kahit ang pinag-uusapan natin ay siya na. Ayoko pang umuwi dahil natatakot akong baka bukas ay wala ka na ulit. Ayoko pang umuwi kasi baka hindi na to maulit.
---
Ayaw ko pang umuwi pero pag upong pag upo sa jeep nakapikit na ako sa sobrang antok. Haha! Nakakahiya, nakanganga pa ata ako. Lol!
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...