I knew I love You (KaRa)

3.1K 58 36
                                    

"Yeye"


Kanina niya pa ako ginigising pero tinatamad pa talaga ako bumangon. Gusto ko pa matulog.


"YEEEEEEEEEEEEE!"


Ughhhh nakakainis talaga to. Wala ng ibang ginawa kundi asarin ako. Alam niyang inumaga na ako ng uwi at kakatulog ko palang halos pero wala pang 2 oras ay andito na siya para mambwisit.


"Ako nga Victonara tigil tigilan mo ha! Ano nanaman ba ginagawa mo dito?" Naiinis kong sabi.

"Miss na kita asarin damulag! Hahaha!" Mapangasar niyang sagot.

"Iba nalang kulitin mo Vic wag ako." Sabi ko.


Muli akong humiga sa aking kama at susubukan matulog ulit. Antok na antok pa talaga ako. Nakuha ko na ang gusto kong pwesto at papunta na sana ako sa mahimbing na tulog ng maramadaman kong dinaganan ako ni Vic.


"Viiiiiic! Ano ba yan!" Inis na inis kong sabi sa kanya.

"Tayo ka na jan" saad niya.


Tumayo ako at dumeretso na sa cr upang makapaligo. Paglabas ko ng banyo ay may masakit na bagay na pinukpok sa ulo ko. At shit lang! Ugh! Binasagan ako ng itlog!


"Happy Birthday Yeee!" Sabi ni Vic ng nakangisi.

"Sana binasag mo yung itlog nung hindi pa ako naliligo!" Inis kong sabi.

"Walang saya pag ganun. Okay na yan! Ligo ka nalang ulit hahah!" Patawa tawa niyang sabi


Nakakainis naman talaga oh, ano pa nga bang magagawa ko, naligo na ako ulit. Mas lalong nakakairita dahil bugok na itlog pa ata yung nabili niya dahil sobrang baho.


Lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Pumunta na akong kusina para sana magluto ng pananghalian ko pero napangiti naman ako dahil pinagluto niya na ako at pinaghain.


"Baka lagnatin ka ha" Mapangasar kong sabi.


Hindi naman kasi siya ganito eh, sa ilang taon naming magkakilala at magkaibigan ay hindi niya ako ipinagluto kahit kailan.


"Special kasi ang araw na to" Sabi niya at ngumiti.

"Bukod sa nadagdagan ng isang taon ang edad ko, ano pang special sa araw na to?" Taka kong tanong sa kanya.


Hindi naman ako nagcecelebrate dahil wala naman na akong kasama sa buhay.


"Alam mo ang drama mo! Minsan naman magcelebrate tayo. Magpasalamat na nakaabot tayo sa ganitong edad" Pilit niyang pangungumbinsi sa akin.

"Aminin mo nga sakin, may kasalanan ka noh?" Sabi ko na animo'y nag-iimbestiga.

"Baliw ka, bilisan mo na. May ipapakilala ako sa'yo" sabi niya ng nakangiti na halos mapunit na ang labi.


Mabilis na akong kumilos at hinayaan na si Vic na dalhin ako sa kung saan mang lupalop ng Pilipinas.


PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon