Jollibee (ChaRa)

610 25 32
                                    


ARA

I was sitting alone sa may corner ng jollibee kumakain happily when suddenly an angel came by and greeted me.

"Hi."

Napatulala ako, as in ramdam ko na halos mahulog na yung panga ko dahil sobra akong nastarstruck. Sobrang ganda pala talaga ng isang Cha Cruz, she's my idol at crush dahil ang galing niya magvolleyball and she smiled pa like halaaaa, sobrang angelic.

"Is this seat taken?"

Alam ko to. Napanood ko na ito sa isang jollibee commercial. Pumikit ako saglit...





"Ah no. Ako rin hindi pa taken." sagot ko dahilan para matawa siya.

"Pwede makitabi?" tanong niya.

"Kahit habang buhay mo pa ako tabihan." sagot ko dahilan para kurutin niya ang pisngi ko. Feeling ko close na kami agad.

"Cha Cruz nga pala."

"I know. Ara Galang, soon to be yours."

"I guess now is the new soon?" kinilig ako sa sinabi niya.

"I'm yours?"

"If you would like to be mine, I guess so?" she smiled again! Feeling ko bilyonaryo na ako dahil ilang beses niya ako nginitian.

Nagkwentuhan lang kami, I told her na sa DLSU lang din ako nag aaral. Sabi ko hindi ako nakakanuod ng games niya dahil lagi akong nauubusan ng tickets. So next game daw nila she'll give me a ticket.

Sobrang lucky diba? I know.

So parehas kami ng color ng shirt today. Meant to be.

Parehas kami ng food na inorder sa jollibee, meant to be.

Parehas kami ng school, anak ng meant to be talaga.

Parang ayaw ko pa matapos yung usapan namin kaya umorder pa ako ng fries. 2 extra large para hanggang mamaya na kami dito.

Nag form ako ng 'will you be my date this valentine?' at agad naman siyang umoo, parang panaginip lang na hindi mo inakala.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at nagkwento tungkol sa sarili niya, wow.

"Crush mo ko? Masyadong mabilis eh." sabi ko habang kinakamot ang ulo ko.

"Hindi. Mahal kita eh. I know you eversince you got in DLSU." sagot niya.

Para akong kiti kiting hindi mapirmi kasi sobrang kinikilig ako.

She leaned closer, so I assumed na ikikiss niya ako kaya pumikit ako.






"Miss?"








Napamulat ako ng mata at nakitang nakatayo pa siya sa harap ko.


"Is this seat taken?" tanong niyang muli. Deja Vu?

"Ah no.---" May sasabihin pa sana ako.

"Thank You." sabi niya at kinuha yung upuan papunta sa kaibigan niya.



Thank You? Nakapag invest na ako ng feelings, niyaya na nga kita makipagdate oh, feeling ko nga gusto ko na siya pakasalan tapos thank you lang? Diba sa commercial tinabihan? Hustisya.






May papel naman akong nakita sa table.

"Coffee later near DLSU? -CC"



Napatingin naman ako sa kanya and nakatingin na siya sa akin at nginitian ako.






I guess hindi siya fan ng Jollibee epic friendzones stories. Maigi na din to atleast alam kong less ang chances na mafriendzone ako.

*****

I know how trashy this One shot is hahahahaha. Sorry sa nanghihingi ng ChaRa OS I trieddd 😂😭✌🏻

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon